Part 5

3 1 0
                                    

"Secretly Loving You"
-Part 5

Marga's POV:
Naiinis na talaga ako sa Faith na yun! Wala siyang karapatan na sabihan kaming hindi maganda. Napahiya tuloy ako kahapon sa pang-aasar sakin. Well, ako nga pala si Marga Lopez. Mayaman kami at nag-iisa lang akong anak kaya lahat ng gusto ko, makukuha ko. Wala ni isa, ang makapagpigil sakin sa anumang gusto ko. Ganun ako eh' spoiled brat, sopistikada at maganda. Yeah, maganda ako kaya wag kanang kukontra. Isang tao lang naman ang gusto kung kalabanin at yun ay ang bitch na si Faith Dela Cruz, lakas talaga ng loob niyang kalabanin ako. At tatawagin pa kaming kamatis ang mukha namin? How dare her! Ngayon mas lalo pa akong naiinis sa kanya dahil pinagtawanan ako ng dalawa kung kaibigan dahil saming tatlo, ako lang daw ang hindi nakatabi ang isa sa mga gwapong classmate namin. And worst, sa kaaway ko pa no other than Faith. How lucky is she?

"Oh Marga, nakasimangot na yang mukha mo."sabi ni Monica. Mala-anghel talaga ang mukha ni Monica kaya yung ibang estudyante na hindi pa nakakaalam sa totoong ugali niya ay nababaitan sa kanya. Pero di nila alam na demonyita ang ugali niya. Kaya nga minsan, magkakasundo kami than Irene. Mabait naman talaga si Irene pero pa'g dating sa taong mahal o gusto niya walang pwedeng umagaw sa pwesto niya. Pero minsan, mataray yan lalo na sa Faith na yun.
"Nakakainis na ang Bitch na Faith na yun. Ang swerte niya diba? Dahil katabi niya si Ryan!" irap na sagot ko sa kanila.
"Kalma lang Girl.--"
"Paano ako makakalma?! Puro nalang siya ang panalo. She's so annoying!"inis na sabi ko.
"Eh anung magagawa natin dyan?!" Mönica
"Gagawa ako ng paraan para mapansin ako ni Ryan. At kung magawa ko yun, pagtatawanan ko na ang Faith na yun. Hahaha" sabi ko at tumawa. Nakitawa na rin sina Irene at Monica. Pero biglang nagsasalita si Irene.
"You know what girls? Boyfriend ko na si James. Kahapon lang nung niligawan niya ako, sinagot ko na siya. Oh diba, ang sweet? Hahaha." natatawang sabi ni Irene.
O__O Ako
^__~ Monica
"Ano?!"
"What?!"
Sabay pa kaming nagsalita ni Monica.
"Any pRoblem? Di man lang kayo mag congratulate sakin dahil nakuha ko na ang loob ni James?" nakangiting sabi ni Irene.
"Seriously Irene? Nanligaw palang siya sayo kahapon sinagot mo agad?!" tanung ko. Talagang di ako makapaniwala.
Wow Ha?
"Easy to get ka talagang babae ka!" sabi ni Monica sabay palo kay Irene.
"What's wrong with that? Bukod sa gwapo at hot, mayaman pa! Sinong di magkakagusto niyan? Para saan pa ba at magpaka 'hard to get' ako eh, blessings na yan eh! Kaya push mo nalang!" malanding sagot ni Irene.
"Oh, nandito na pala siya. I mean, sila" Irene
"Hi Babe!"Nakangiting bati ni James kay Irene. Infairness, gwapo siya pero mas gusto ko pa si Ryan.
"Oh Hi babe!" Irene sabay kiss sa cheeks ni James. Sh*t mabuti nalang walang langgam dito. Dahil pag nagkataon nilalanggam na ang dalawang to. Si Monica? Ayun nilalambing si Ronald.
Nagbulong-bulongan na yung mga estudyante dito sa Canteen. And there, I saw the bitch. Si Faith na nakatingin samin. Kaya para mapainis ko si Faith, hinalikan ko si Ryan sa cheeks niya halatang nagulat si Ryan sa ginagawa ko pero napangiti naman ito. Hahahaha.

Faith's POV:
"Bullsh*t talaga! Sila na pala. Aaah!" inis na sabi ni Kathleen.
Ako din, bigla nalang akong nainis dahil nakita kung hinalikan ni Marga si Ryan and I saw him smiling on what Marga did to him. Yeah, I admit may gusto na ako kay Ryan pero secret lang yun. Pati si Kathleen diko sinabihan sa totoong nararamdaman ko kay Ryan, baka ipagkalat pa sa buong Campus. Nakakahiya kaya yun. Naiinis na talaga ako! As in ! To the highest mountain everest!
"Alam mo best, gusto ko na talagang sugudin ang Irene na yan! Ang landi niya talaga! Nakakainis din si James, di man lang niya ako napansin. Manhid talaga baka mamaya, suntokin ko na ang dibdib niya." nagtitimping sabi ng bestfriend ko. Natawa nalang ako sa pinagsasabi niya. Pero ako? I'm good in pretending that Marga's kiss is not a big deal for me. I'm good in pretending that I don't have a feelings for Ryan. I'm good in keeping secrets to the person I love. Yeah, sounds gay right? Pero akala ko wala lang sakin yung kabog ng dibdib ko sa tuwing makikita ko si Ryan. But one day, nagising nalang ako sa katotohanan na gusto ko na pala siya nung unang kita ko palang sa kanya. But I just pretend na wala akong pakialam sa kanya kung may nilalambing siyang babae lalo na kay Marga. Kahit na nagseselos ako, Oo. Tinatago ko lang.

"Let's go" sabi ko kay Kath at hinila siya patungo sa Secret Garden. Sumikip na rin yung dibdib ko dahil sa selos. Di mapigilan eh.
Narinig ko pa nga ang mahinang tawa ni Marga bago kami makalabas sa Canteen. Sh*t kasing selos to! Di mapipigilan.

***
(to be continue)


" Secretly loving You "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon