Uwian na

74 2 0
                                    

Nililigpit ko na ang mga gamit ko at isasara ko na ang lab nang narinig ko na may kumakatok syempre sa pinto, "'Chari, thanks sa notes ha"
"Wala yun Barry"
Kaklase ko sya sa isang subj. pagkasara ay may tumawag nama sa akin. Takte kelan ba ko matatapoa nito
Syempre kahit inis ang lola nyo,ngiti at bati sa tumawag sa akin, "O Ethan kaw pala, bakit?"
"Wala , antayin kita ok lang?"

Aba ano to? Bakit kinikilig ako?
Utal akong sumagot, "Ok kaw bahala"
"Antayin kita sa hagdan doon ha"
sabay turo sa hagdanan ng mga hayskul.

bumalik ako sa pagsasara ng lab, ang laki kasi 4 kasi ito na kasinlaki ng klasrum na umookupa ng 40 na bata,pero dahil pribado ang eskwela tanging 20-30 na estudyante lang ang tumatao dito.

Nang natapos ako nilock ko na ang main door, at pumunta sa hagdanan.

Ngiti ang sinalubong sa akin ng mokong. May ibang hayskul at guro ang nakakita sa amin, syempre niloloko nila si Ethan
"Ethan , nanliligaw ka na ba?"
"Aba, Ethan..."

sabi ng mga nakakakita sa amin.

nailang naman ako kaya dali akong bumaba.
"Saglit, Chari" sabay hawak ng kamay ko
"Wag mo ko iwan"

Syeet! Pakiramdam ko namumula ko
Tumingin ako saglit sa kanya at tumugon,"Sorry, naiilang kasi ko sa mga naririnig ko"
"Wag mo sila pansinin Chari"

Wag ka ngingiti! Ay pota lang oh natutunaw ako

Tinignan nya ko at ngumiti

Moving On (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon