Nina's POV
Ngumiti si Mama sakin ng pagkatamis tamis habang nakatago sa likuran nya ang dalawang kamay. "Ano pong nasa likuran mo, mama?" Tanong ko sa kanya at pilit na sinisilip kung ano nga ito.
"Tadaaaa." Inilabas niya ang isang shoe box na may pink ribbon na nakatali. "Happy Graduation, Nina!" Niyakap ko siya ng mahigpit na ginantihan naman niya ng mas mahigpit na yakap. "Ang galing galing talaga ng baby ko! Biruin mo ikaw ang batch salutatorian." Hinalikan nya ko sa pisngi. " Pasensya na anak kung di nakapunta si mama sa ceremony kanina" lumungkot ang boses nya.
Ngumiti ako ng malapad at hinalikan siya sa magkabilaang pisngi. "Mama naman. Alam naman nating di ka papayagan ng masungit mong doctor na lumabas ng ospital di ba?" Ngumuso ako. "Isang araw lang naman ayaw ka pa payagan. Kainis."
Tumawa si mama at pinisil ang ilong ko. "Hayaan mo. Magpapagaling na agad si mama para maitreat kita sa labas dahil salutatorian ang baby ko!!" Proud na proud nyang sabi at pinanggigilan na naman ako. Nakiliti ako sa ginawa nya kaya tawa ako ng tawa.
Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang nurse. Nagyabang pa si mama dito na ako ay salutatorian at pilit na kinulit ang nurse na patakasin kami para makapagdate sa labas. Natawa nlang ako sa astang bata ng nanay ko.
Tumawa ng marahan ang nurse at pinahiga si mama sa kanyang kama. "Mrs. Villaluz talaga." Tumawa ulit sya matapos nyang ayusin ang kumot. "Halika na Nina. Kailangan ng magpahinga ng mommy mo." Hinawakan nya ko sa kamay pero binawi ko din agad to.
"Pwede bang dito muna ako matulog, ateng nurse?" Nagpacute pa ko sa kanya para effective.
Umiling iling lang sya at ngumiti sakin. "Alam mong hindi pwede mapagod si mommy mo di ba?"
"Di ko naman papagurin si mama ee." Nagpout pa ko. " Sige na pleaseeeee." Pagmamakaawa ko sa kanya. Gusto ko kasing makasama makatulog si mama ngayon since ilang araw na siyang di umuuwi at dito na natutulog sa ospital. "Tsaka di naman malalaman ng masungit na doctor." Kumindat pa ko sa kanya sabay yumakap kay mama na kasalukuyang nakahiga na at nanonood lang saming dalawa.
Hinalikan nya ko sa noo at niyakap. "Nina," tumingin ako sa pagod niyang mga mata. Saglit pa lang akong nandito at nag-usap lang namin kami pero parang pagod na pagod at hinang hina na sya agad. Ngumiti sya sakin. "Paano si papa mo sa bahay? Wala syang kasama. Siguradong malulungkot yun."
Napaisip tuloy ako. Kawawa naman si papa ko kapag dito ako natulog. Baka matakot siyang mag-isa sa bahay. "Sige na nga." Matamlay kong sagot. Bumangon na ko at hinawakan sa kamay si ateng nurse. Ngumiti ako kay mama at nagpaalam na.
Pero imbis na dumiretso sa bahay. Tinakasan ko ang nurse habang nakikipag-usap sya sa isang pasyente. Patago akong sumakay sa elevator.
"Hmmm. Sosorpresahin ko si mama." Humagikhik pa ko sa excitement ng maisip ko na gugulatin ko si mama na di pa ko umaalis ng ospital. Madami pa kong gustong ikwento sa kanya. Ipagmamalaki ko pa yung mga nakuha kong awards and medals kanina.
Kaso pagpasok ko ng kwarto nya ay tanging lampshade nlang ang nakabukas. Mahimbing na ring natutulog si mama. Pinagmasdan ko ang maamong mukha niya. Sana nama'y gumaling na si Mama sa kung ano man ang iniinda nyang sakit para makauwi na sya at makasama ko sa pagtulog. Miss na miss ko na ang masiyahin at mas makulit na mama ko. Hinalikan ko sya sa pisngi bago tuluyang lisanin ang kwarto.
Ngumiti ako. Di bale, bukas bibisita ako ulit sa kanya.
Tumakbo ako pabalik sa elevator at pinress ang top floor. Wala pa ko sa mood umuwi. Tiyak kasing wala pa si papa sa bahay at mag-isa na naman ako doon. Nakakatakot kaya.
