Chappie 2

22 0 1
                                    

4 years later.

*BANG*  *BANG*  *BANG*

Hindi yan barilan, okay? Tunog yan ng paghampas ng dambuhala naming landlady sa pinto ng aming apartment.

"WAG NA KAYONG MAGTAGO, ALAM KONG NANDIYAN KAYO SA LOOB!"

My oh my. Ang aga niya naman.

I tip-toed papunta sa bintana. Dahan dahan akong sumilip sa maliit na siwang ng kurtina namin at bumungad sakin si shrek-slash-landlady namin. 

Pinag-kaiba lang nila, si shrek green siya red dahil sa galit. Atsaka si Shrek may mabuting kalooban. E etong landlady namin sobrang itim ng budhi. Mas dark pa sa dark.

Paano ko nasabi? E kahit piso na kulang sa upa na ibabayad mo aba ipapahulugan pa sayo with interest. Kaya lumalaki ng lumalaki utang namin sa kanya e. Nagkapatong patong na dahil sa pagiging greedy ni Aling Lucy.

Kulang nlang umusok ang magkabilaang tenga nya sa pagkainit ng ulo. Ang laki laki ng butas ng ilong nya at kitang kita ko na lahat ng kulangot sa loob nito. Ew. Parang may tv, refrigerator, at sala set pa nga akong nakita e.

Eeeeek. Napangiwi ako sa itsura nya. Kay pangit talaga ng babaeng ire. Katakot ang face.

*BANG*  *BANG*  *BANG*

Inuulit ko. Hindi ito tunog ng nagbabarilan.

"LUMABAS NA SABI KAYO DIYAN E. PAG DI KAYO LUMABAS, TATAWAG NA KO NG PULIS!"

Hayyy. Ano ba naman yan. Wag naman po. Gumapang ako across sa isang bintanang walang kurtina para di niya ko makita. Tila ako isang sundalo na nasa gyera na nakikipaglaban kay Hitler. Sya kasi reincarnation ni Hitler.

I grabbed my tie and backpack at isinukbit ito sa akin. Hiningahan ko ang magkabilaang lenses ng glasses ko at pinunasan ito. After suotin ang glasses ko, ipinusod ko na ang sabog sabog kong buhok. Di na ko nag-ayos ng sarili. Wala na namang bago dun. I tried not to make any noise, para di ako marinig ni shrek este nung landlady.

Gumapang ako pabalik sa banyo. 

NINJA MOVES.

May bintana kasi dito na ginawa naming pinto ni Papa. Ito na ang nagsisilbing entrance and exit namin simula nang hindi kami nakapag-bayad ng upa sa bahay. Alangan naman sa front door pa rin kami dumaan, di ba. Malamang botcha na kami kung ganun.

"HOYY!" halos mawasak na ang pinto sa kakahampas niya. "MGA VILLALUZ! ALAM KONG NANDIYAN KAYO! KELAN NIYO BA TALAGA BALAK MAGBAYAD NG UPA NG BAHAY AH! ABA'T LUMAYAS NA KAYO KUNG WALA KAYONG PAMBAYAD!" 

Tumungtong na ko sa upuan, inihagis ang bag ko at inihakbang ang isa kong paa sa bintana ng biglang sumulpot ang alaga kong pusa.

"Meow Meow Meow" ungal niya habang naglalambing. 

"Shhh.. mamaya nlang kita papakainin, okay? Bantayan mo tong apartment. Tumahol ka kapag may magnanakaw." binigyan ko siya ng flying kiss atsaka tumalon sa palabas ng bintana.

Akala niyo lang pusa ang alaga ko pero nagpapanggap lang talaga yun. Ang totoo ay isa syang labrador.

Nag-land ako sa bubong ng kapitbahay namin. Iniayos ko ang lukot lukot kong uniform ag tumalon sa isa pang bubong. Ilang bubong din ang tinatahak ko tuwing umaga bago makapasok.

Tumalon ako pababa nang marating ko kung saan ako madalas sumasakay. Pagtalon ko ay napatitig ako sa sapatos kong nagmamakaawa na.

"Ay!" Bumuka ang bibig neto at lumaylay ang dila.

Nina, maawa ka sakin. Hayaan mo na kong mamahinga. Pag-retirin mo na ko. Please. Pagsusumamo nya sakin. Nakaluhod sya at umiiyak. Iniiwas ko ang tingin sa kanya upang di maawa at pagbigyan sya sa kanyang daing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devils Do Fall InLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon