If we ever meet again.

9 0 0
                                    

If we ever meet again.

Prologue.

Anong gagawin mo kapag nakita mong muli yung kaisa isang taong minahal mo simula nung unang beses kang na inlove?

Papatunayan mo ba na first love never dies?

Anong gagawin mo kung may malaman kang isang sikreto na kung saan involved ka?

Tatahimik ka pa rin ba?

Anong gagawin mo kapag nalaman mo na meron na syang iba at ikaw hindi mo padin nasasabi sa kanya na sobrang mahal na mahal mo sya?

Ipaglalaban mo pa din ba sya?

Ang daming tanong!! Nakakabaliw.. Eh ganon talaga eh. Pag nagmahal ka asahan mo ng buong mundo mo ay magugulantang at iingay pero sa kabilang banda ang iyong araw araw ay magiging makulay…

Chapter 1

“Andyyyyy!!”

 isang malakas na sigaw ang bumuhay sa katawang lupa ko at iyang sigaw din nay an ang dahilan kung bakit ako nahulog sa kama.

Aga aga nambibwisit tong baliw na ‘to. -.-“ haaaaay. Ganda ganda pa naman ng panaginip ko!! KJ KA KJ!! >.<

Hindi muna ako tumayo sa sahig kase ng mahulog ako doon ay nakabalot pa din naman ako sa comforter so ang comfy ng pagkakalaglag ko at parang nasa kama lang kaya naman hindi pa ako fully gising…

“Andrea Sy ano ba bumangon ka na nga jan!!”

HALA!! Full name na yun ah? Ano bang meron at kelangan bulabugin ang taong nahihimbing?? T.T

“Hoy Andrea kung hindi ka pa jan babangon ipabubuhat kita kay kuya at ipatatapon kita sa Pacific Ocean habang nakabalot ka jan sa comforter mo. Hoooooy gising na daliiiii!!” tapos shinake pa nya ako with full force..

OO NA!! OO NA!! Gigising na. Pasalamat tong babae na to bestfriend ko sya. Kung hindi ipinalapa ko na to sa mga dambuhalang aso namen. >:D

“oo na! gising na oh! Gising na! ano ba kasing meron at kailangan mo pa akong bulyawan ngayon umaga?” medyo pagtataray kong pagtatanong. Gets naman netong si Nikki eh. Alam nyan na ayaw kong ginigising ako lalo na pag alam kong walang pasok.

“eh kasi po…” tumayo sya at namewang…

“kasi po?” tanong ko. Pabitin effect pa. -.-“

“kasi po…kailangan na natin mag enroll ngayon! Tingnan mo kung anong oras na! 9:23am na ho mahal na prinsesita at eto tayo andito pa sa mala salas mong kwarto.”

Ah mag eenroll pala kami ngayon. Ba’t ba hindi ko natandaan? Hehe sensya na. medyo makakalimutin na.

San kami mag eenroll? Syempre sa school. Incoming 2nd year college students na kasi kame. Hahaha! Akalain mo yun? Parang nung isang araw lang freshmen pa kami tas ngayon eto na kami at mag eenroll as sophomores sa Clarkson University. ^_____^

“ngayon na ba yun? Bat ba kasi hindi mo man lang ako tinext kagabi para namann informed ulit ako na kelangan natin mag enroll ngayon.”

“aba naman! Ano ako? Bayaran mo? Pasosyal ka ah. Abuso nayan!!” reklamo ni Nikki.

Kahit kelan talaga, baliw ‘to!! Hahaha! Kaya kami bestfriends eh. Parehas kaming engeng.

“psh! Parang di kita bestfriend ah! Thank you ha!!” I said sarcastically.

“You’re welcome!! ^_____^V oh mag ayos ka na dali!! Bagal bagal mo pa man din kumilos.” Tapos tinulak na nya ako sa may CR para makapag moment na ako.

At dahil nagmomoment naman na din ako, I better introduce myself properly. I’m Andrea Sy but my friends call me Andy, so I guess you might as well call me Andy for short. I’m an incoming sophomore at Clarkson University and currently taking up AB Television Arts.

Cool ng course ko diba? Hahaha! Unique nga kase yung school ko. Instead na focused sya sa academes eh sa arts sya mas kilala.

Yung nang gising sakin kanina, sya ang ultimate bestfriend ko. Si Nikki Reyes. Since highschool pa kame magkakilala at magbestfriend at nagtuturingan na magkakambal kaya naman okay lang ditto sa bahay na labas pasok yung babae na yun. At syempre pa. alam nyo naman na parehas kaming baliw. ^_^

Anyway, mas malalaman nyo pa ang whole story ko habang binabasa nyo to.

“Hoy ANDYYYYY!!”

Mahalit na sana lalamunan ng bestfriend ko!! Kanina pa nya ako sinisigawan. Huhu T.T

“ano baaaaa?! Sigaw ka ng sigaw jan?!”

“panong hindi ako sisigaw?! Eh kinain ka na ata ng toilet bowl eh. Waaaaa!! Mukha ka kasing tae!!”

ABA’T ANG BABAE NA TO!! HUMANDA KA SAKIN PAGLABAS KO!!

“Hoy Andyyyyy!!”

Ano na naman? Sarap salpakan ng plunger sa bunganga!!

“ano??!”

“mag 11am na kaya!! Andyan ka pa din sa loob ng CR. Pag hindi ka pa lumabas jan babasagin ko yung pinto at pipicturan kita ng wala kang damit at ikakalat ko yun sa net. 1…2...”

Ano daaaaaw? Baliw! Buti na lang tapos na ko. Takot ko na lang sa babaeng to. Kung ano maisip nyan

gagawin talaga nya eh. Baliw nga kami diba?

“hoooooy wag naman!! Maawa ka’t mahabag!! Tapos na oh. Nakabihis na din ako kaya surry na *pout*”

“haaaaay! Ano pa nga bang magagawa ko. Tara na!! haba na ng pila for sure. “

“lets go!” tapos para kaming mga bata na lumabas ng kwarto at nagpahatid kay kuya driver papunta sa school.

Bago kami pumila, syempre nag withdraw muna ako. Hindi kaya ako nakahingi ng pera kina mommy at daddy dahil nagpapamadali ‘tong si Nikki. Tapos after ko mag withdraw eh ayan na. sasalubungin na naming ang pinakaboring sa lahat ng boring. ANG MAHABANG PILA PAG NAG BABAYAD.

=.=

Haaaaay! Kakabagot ‘to!! >.<

If we ever meet again.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon