Chapter two
ang haba haba ng pila na to!! =_=
nakakatamad tuloy dito.
bawal pa mag ingay kasi ang taray taray nung head cashier dito. Feeling librarian lang!! Buti na lang malamig dito kung hindi baka nag hysterical na ako dito!!
"Pst Andy!"
"Hmm?"
"ang ganda mo talaga kahit kelan?!"
matagal ko ng alam bestfriend wag mo na ipaalala saken. LOL.
"oh? bat mo naman nasabe? sa inaraw araw naten na magkasama ngayon mo lang ata napansin ang pagiging dyosa ko?"
"tingnan mo oh" tapos ngumuso sya sa may likod ko.
lumingon ako to find out na may isang group ng boys na nakatingin sakin at pag tingin ko sa kanila kanya kanya silang iwas ng tingin at patay malisya na nakita ko sila.
So weird! Nakicreepyhan ako sa kanila...
"oh? creepy!"
"kilala mo sila Andy?"
"Bu?"
*a/n: Bu is mandarin for no.*
hindi naman sa hindi ko sila kilala. baka mamaya kakilala ko sila pero di ko lang namukhaan kase umiwas agad sila ng tingin saken.
"Next!" sabi nung nasa cashier
" Oh Nikki tayo na pala! tara na!" tapos hinila ko si Nikki papunta dun sa window para makapag enroll na kami at makapag gala na.
opo ang babait namin na mga bata. instead na umuwi agad kami eh mag liliwaliw pa kami.
okay lang naman kasi kina mommy at daddy eh basta si Nikki kasama ko.
so iyon nga nag enroll kami and everything to finalize everything tas deretso na kami sa mall!! yess!!
we're on our way out ng napadaan kami ni Nikki dun sa group ng boys kanina..
they're chatting withbeach other pero mahina lang
pero kahit mahina tinig ko padin. malakas kaya pandinig ko!!
omg!! bad ko! nag eavesdrop ako sa usapan ng iba!
eh sa naririnig ko naman na din at bilang nakatingin sila sakin kanina makikinig ako sa usapan nila. para pantay na kami!!
>:)
"oo pare sya nga!!"
"impossible pre eh! mataba yun! sexy yan!"
ang bastos naman ng mga to! makapamula kala mo perfect sila.. evil!!!
at dahil malabo ang mga mata ko hindi ko sila nakita ng maayos.
punta muna ako ng CR. Gonna put up a pair of contacts to make my vision clearer. umalis na ako dun sa place na yun kasi nasosobrahang creepyhan sa mga boys na yun. Sa mall na lang ako mag CR.
*************************
at ayun nga nagpunta muna kami ni Nikki sa CR at naglagay ako ng contacts
now everything is crystal clear!!
"Andy may puntahan lang ako ah. may nakita kasi ako nung isang araw na sobrang gandang damit. bilhin ko lang"
"teka sama na ko sayo"
"wag na!! baka magustuhan mo din tapos bilhin mo pa. edi may kapareho pa ako"
tapos nag pout sya
dito kami nagkakatalo ng bestfriend ko. sa pagbili naminng mga damit. halos parehas kami ng taste eh
"psh sige na nga! pero san naman ako pupunta?"
tas pout naman si ako.
"gala gala ka lang jan tapos text kita pag mimeet na kita. okay?" tapos agad agad syang tumakbo ng di man lang ako pinagsasalita
uhhhhh!!! san po ako pupunta?? loner ako ganon?! huhuhu!!
at yun nga nag hiwalay na kami ng landas ni Nikki at ako eto gala gala din.
"pare sigurado na talaga ako siya to!! hindi ako magkakamali"
huuuuuh? para namang may pinaghihinalaan tong mga nasa likod ko...
"alam nyo mga pare para makasiguro na talaga tayo tanungin na natin sya kung sya nga yun para din di na tayo habol ng habol. kakapagod kaya mga parekoy!"
oo nga naman. may point sya. bat ba ayaw pa nila tanungin?
pero teka... habol ng habol?? ibig sabihin... kung nasa likod ko sila.... ako ba pinag uusapan nila??
naku po!! ako nga ata! what if kikidnapin nila ako??
what if may mga plano silang masama sakin??!!
waaaaa!!! bata pa po ako!!!
madami pa ho akong pangarap!!
o baka naman OA ako? i need to confirm kung ako nga sinusundan nila.
tumungo ako para silipin mga paa nila...
ang lapit lapit na nila sakin!!
binilisan ko lakad ko...
ang bilis din nila!!
I stopped walking...
tumigil din sila!!
oh no!! sinusundan nila ako!!
anong kailangan nila sakin??
T.T