Chapter 2

31 3 1
                                    

" Dati pa inaalam yan!"

" Yung ano?"

" Kung ano nga ba talagang relasyon ang meron sila ng president!"

"Lagi kasi silang nagkikitang magksama!"

"Hindi lang yun! Siya lang rin kasi ang babaeng kinakausap ni Jun!"

" OO nga! Kahit yung secretary sa SSC hindi daw makausap si Jun."

" Ano bang meron sa kanya?"

" Hindi naman siya kagandahan!"

"HIndi na nahiya!"

" If I know, may motibo siya sa pagiging malapit niya kay Jun!"

"Bakit si Jun pa?!!"

" Ano bang meron sa kanya?"

"Ganyan na ba kababaw si Jun sa pagpili ng mga babae?"

Padabog kong binuksan yung pinto ng banyo.

" Ooooh. So, anong ginagawa ng isang mukhang hampas lupa dito? " 

" Balik kaya natin yung tanong? Ano kayang ginagawa ng mga clown dito? Hindi ba't dapat nasa birthday party kayo? Don't tell me, hindi pumasa yang mga mukha niyong basahan? "

"HAH! Nagsalita ang hindi." Nag motion yung isa na mukhang leader nila na parang palibutan ako.

Paano ko nalaman yon? OH. I guess, sobrang obviouys naman kasi ng mga ganyang scenes na hindi ko akalain pwede rin pa lang mangyare toh sakin.

" Ooohhh. May natatakot. "

" Bakit ka tumahimik?" hinawakan nung isa yung baba ko.

" Ako ba yung tinutukoy niyo? Hindi naman kasi ako tinatamaan." 

"Ikaw nga! Malapit na kong mapuno! Binabalaan kita. Layuan mo na si Jun kung ayaw mong may mangyareng masama sayo." dinuro duro pa koh nung leader nila.

" weh? totoo ba yan? HAHAHA."

" ABA! Nagawa mo pang tumawa kahit na maayos kitang binabalaan? Etong sayo!!"

" May papadating na teacher!" Bago ko pa naramdaman yung sampal niya, narinig ko na silang kumaripas ng takbo papalabas sa girls bathroom.

" Tss. Mga duwag. Takot sa teacher."  Inayos ko yung sarili ko na parang walang nangyare at lumabas na.

" Parang siya hindi, ah? " 

" Ikaw ba yung sumigaw na may paparating na teacher? "

" Galit ka pa rin sakin? "

" Bakit naman ako magagalit sayo? "

" Bakit nga ba? "

Katahimikan . ...

" Wala ka bang balak sagutin mga tanong ko o silent treatment ang bagay sakin? "

" Wala ka bang balak tigilan ako dahil halata naman kung anong ginagawa ko at nasabi mo na? "

" Bakit ang sungit mo? "

" Bakit ang kulit mo? "

" Bakit ka galit sakin? "

" Bakit ayaw mo kong tigilan? "

" Sino bang hindi sumasagot sa mga tanong ko? "

" Ikaw. " I simply said. Hay salamat! Nakarating na rin sa classroom namin. Ayaw ko munang kausapin si Jin kahit na hindi naman talaga ako galit.  Wala namang dapat ikagalit, diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

13Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon