Chapter 4 ~ Surprise!

18 2 0
                                    

Surprise!

Scarllete's POV.

Pagkauwi ko ng bahay kanina sakto namang dumating si kuya, buti na lang nakapagpalit ako agad ng pambahay kundi madadagdagan pa yung araw ng pagiging grounded ko. Woooh!

Pag nagkataon sisisihin ko si lovely :D ! Dejoke, pero sisisihin ko talaga siya ! :D .

"Scar halika na sa baba kakain na!"-sean

"anjan na po kuya, wait lang."

Dalidali akong nagligpit ng mga gamit ko saka nagdiretso sa baba para kumain.

"tagal mo naman! Baka lumamig yung pagkain! Maarte ka pa man din! Aish!" Naiinis na sabi ni kuya, tignan mo to highblood nanaman ! Siguro may nangyaring hindi maganda sa group project nila ? Siguro nga ganun.

"Apurado ka naman kuya, kakatawag mo pa lang sakin kaya ^____^V ."

"Kumain ka na lang jan! Nga pala bukas dito daw namin itutuloy yung group project! Kainis! Kulit ng babaeng yun! Sabi ng hindi pwede e ! Psh. Yabang ng babaeng yun kala mo sinong maganda ! Huh! Ako pa pinagbantaan niya!" Babae? Parang may something ah! Bwahahaha, feeling ko pumapagibig na si kuya, the way siya mag react alam na ! Woooh binata na si kuya, teka matukso nga ! >:D

"Eh kuya maganda ba naman yung babaeng sinasabi mo? Siguro crush mo yun ano kuya ? Grabe ka magreact sakaniya e ! At ano bang pagbabantang sinabe niya sayo?" Biglang namula si kuya sa huling sinabe ko, sabi na e may something!

"Wala ka na dun! Saka kumain ka na lang! Busog na ako!" Padabog na ibinaba ni kuya ang mga kobyertos na hawak niya sabay lakad paakyat sa kwarto niya.

Ang obvious mo talaga kuya! Walkout king ang peg!

Gusto kong makilala yung babaeng nambabadtrip ng ganun kay kuya mwaahahahha !

ay oo nga pala marami pa pala akong gagawin. Bigla naman akong nabusog din, si kuya kasi nakakahawa !

Pag akyat ko ng kwarto sinimulan ko na kaagad mga dapat kong gawin.

***

Kinabukasan...

Andito na ako sa bagong classroom ko at hinihintay na lang si Mr. valentine.

Hindi pa din talaga nagsisink in sa utak ko na section 1 na ako ngayon! At kaklase ko pa si smith -.- psh!

And speaking of the devil, ayun siya sa upuan niya at nakapasak nanaman sa tenga niya yung headset niya at nakatungo nanaman. Wala nanamang gagawin to buong araw kundi makinig sa ipod niya.

Ano kayang pinapakinggan niya? Siguro mga rock! Malamang sa itsura niya saka sa paguugaling meron siya yun ang pinapakinggan niya!

"Good Morning Class! Settledown please. Bago tayo magumpisa sa klase may ipapakilala ako sainyo, yeah you heard it right! May bago kayong classmate."

"Ayown! May madadagdag nanaman na chiks sa klase." Sigaw ni terrence at ng yes sign pa na siya namang ikinatawa ng klase.

Bakit may iba akong pakiramdam sa bago naming classmate? Bakit di ako mapakali?

Siguro dahil lang sa hindi ko pagkain kanina bago ako umalis ng bahay! Paano late nanaman nagalarm yung clock ko -.- papalitan ko na talaga yun!

LOVE is ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon