Laging mali.

48 2 0
                                    

Naging sunod sunuran ako.. Parang lahat nalang ng ginagawa at pinipili ko laging mali. Kaya siguro hindi ako nagiging masaya. Isang beses lang ata ako naging masaya, yun ay nung nakilala ko siya.. Pero dahil sa maling desisyon, nawala siya..

[ONE SHOT]

--

Ako si Bryan Estrada at ako ay umiibig kay Jessica Villanueva.

Si Jessica ang pinakamagandang babae na nakilala ko.. Bata pa kami nung una ko siyang nakilala. Sinama ako ng mama ko sa isang meeting at dun ko nakita ang batang babae na umiiyak, nawawala daw kasi siya at hindi niya alam kung nasaan ang mama niya. Sinabe ko naman sa mama ko ang tungkol sakanya at sinabe sakin na anak siya ng kanyang katrabaho. Dun nagsimula maging magkasosyo ang aming mga magulang.. 

Halos araw araw kami magkasama ni Jessica. Araw araw kami magkalaro. Pag umiiyak siya, ako yun unang tao na nandun para sakanya.

Siya lang ata ang kilala kong talagang nakakaintindi sakin.

Siya yun laging nagpapasaya sakin.

Kahit mga bata pa kami nun, alam kong mahal ko na siya.. 

Hanggang ngayon naman e, kahit na nagkahiwalay kami..

--

Flashback* (6years ago)

Nasa isang kwarto ang mga magulang namin ni Jessica.. Nung araw na yun, hindi nila kasama si Jessica kaya tatanungin ko dapat sila kung nasan si Jessica..

Papasok na dapat ako kaso may narinig akong sigawan, parang nagaaway na ang mga magulang namin kaya dun nalang ako sa labas at nakinig sakanila..

"Wala ng patutunguhan ito!"

"Aba. Di kayo marunong tumanaw ng utang na loob!"

"Kami pa ang tatanaw ng utang na loob? Kung tutuusin wala kayong nacontribute dito kundi pera!"

"Ang lakas naman ng loob mo na sumbatan kami! Kung wala kami, malamang nalugi ang kumpanyang ito!"

"Let's just drop this conversation! I don't want to see your family anymore! We want our money back!"

"Wag kayo magalala, madami kami nun. Kahit doble pa ang ibigay namin sainyo!"

nagulat ako.. Nagaaway nga talaga sila.. Hindi ko alam ang gagawin ko!

nabigla naman ako nung biglang lumabas ang mga magulang ni Jessica.. Tinanong ko sila kung nasan si Jessica, ang sinagot nila sakin ay..

"HINDING HINDI MO NA MAKIKITA SI JESSICA!"

sinabi naman sakin ng mga magulang ko na masasamang tao sila, at wag na daw ako makikipagkaibigan kay Jessica. 

Nagkaroon kami ng financial problem dahil muntik maluge ang aming kumpanya kaya simula nun ay nagalit ako sa pamilya ni Jessica.. Hindi ko na din siya nakita..

End of flashback*

--

Ngayon nagaaral ako sa isang unibersidad sa maynila.. Ako ang magmamana ng kumpanya namin. Malaking opportunity yun para sakin, pero parang may kulang. 

Madaming madami kaming pera, pero parang hindi padin ako ganun ka-saya..

Isang araw nung pumasok ako, mauy isang babaeng pinagkakaguluhan. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi maganda siya.

Akala ko yun na ang huling beses na magkikita kami, pero hindi pala..

Ka-blockmate ko pala siya sa isang subj.

Laging mali.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon