MSA/Chapter 12 : Worried [Part2]

355 41 0
                                    

JAMES' POV ,

Nasaan na kaya yun ?

" SHY ! " sigaw ko nung makita ko siya

Napalingon siya sa akin at lumapit .

" Bakit ? " tanong niya

" Ah , eh , nakita mo ba ... Ano ... Nakita mo ba si ... Si ano ... Ah " bakit ba ako nauutal ?

" Umayos ka nga James ! Hindi kita maintindihan eh " - Shy

" Ano... Si  Nadine , Nakita mo ba siya ? " tanong ko

" Ah si Nadine , Hindi siya makakapasok , may lagnat kasi eh , pero , baka bukas , makakapasok na yun , si Nadine pa ? Eh palaban yun " nakangiting sabi ni Shy

" Ah sige , Thank You , sige , pasok na ako " sabi ko

" Sige , bye " sabi ni Shy at umalis na rin

May sakit si Nadine , paano ko siya aalagaan ? Hindi naman pwedeng sabihin ko na .... Aysttt !

Alam ko na , ipagluluto ko na lang siya ...

---

Pagkatapos ng klase , dumeretso na ako sa condo ko ...

Lulutuan ko na si Nadine ...

* After 1 hour *

Tapos na akong magluto ... Nilutuan ko na lang siya ng sopas , sana magustuhan niya .

------

Nasa may park ako ngayon ng village nina Nadine ...

" Pstt ! Marco ! " sigaw ko

" Oh , bakit Kuya James , may ipapaabot ka ba kay Ate Nadine ? " tanong niya

" Oo eto , iabot mo 'toh kay Kuya Guard sa bahay nila hah " sabi ko

" Sige Kuya James , akin na " kinuha niya yung bowl na nilagyan ko ng sopas

" Dahan dahan ka , mainit yan " sabi ko

" Kuya , may letter ka ulit para sa kanya ? "

Napansin niya siguro na may papel sa ibabaw ng bowl .

" Oo , sige na , iabot mo na yan " sabi ko

" Sige Kuya " sabi niya at umalis na

Sinilip ko si Marco , inabot na niya yung bowl dun sa guard nina Nadine .

Kinausap niya sandali yung Guard , tapos tumingin siya sa akin at nag thumbs up .

+

MARCO'S POV ,

" Kuya Guard ! May nagpapabigay po kay Ate Nadine " magalang kong sabi

" Aba ! Marco , tamang tama , may sakit ang Ate Nadine mo , sinong nagpapabigay nito ? Mommy mo ? " tanong ni Kuya Johnny

" Ah opo , si Mommy , po ang nagpapaabot nyan " sabi ko at ngumiti

" Sabihin mo Thank You ah , sige uwi ka na " sabi ni Kuya Guard

" Sign Kuya , alis na po ako " sabi ko

Pero , tumingin muna ako sa may bandang park at nakita ko si James , nag thumbs up ako sa kanya .

Mahal talaga ni Kuya James si Ate Nadine .

________________________________________________________________________

May Part 3 po ito , last Part ...

Dedicated to : aNICOLEicia

arllysarte10 , MonnyMomon

iamArryaNna

^_^

My Secret Admirer [JaDine] : EDITINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora