BEFORE READING, YOU MUST UNDERSTAND THAT THIS IS NOT MY STORY. I UPLOADED IT HERE BY REQUEST, with Ate Jonah's permission. She already has her own wattpad account @jonaxx. Pwede nyo na sya kulitin ;)
JUST THAT
PLEASE DON’T CLAIM THIS AS YOUR OWN STORY. And please don’t redistribute
this without asking permission. THANK YOU. ENJOY!
jonaxxstories.blogspot.com
Lovelots, Jonah(jonaxx)
He never asked anything like this from me.
In fact, he did not deserve anything from the start.
And he will not, ever, deserve anything from me.
Not even pain.
Because hurting him is like inflicting pain to my own self.
Even if I love him, we can only be JUST THAT – nothing more.
Friends, Best friends, Enemies, Strangers – we can be anything like that. And JUST
THAT.
But no matter how he tries to slap me with it, I still can't resist falling.
Kailangan bang maging magbestfriend din ang mga anak ng mga magbestfriend din? Si
mama at ang mama ni Gabriel ay bestfriends. Si papa at ang papa naman ni Gabriel ay
mag bestfriends din. Ako at si Gab? Kailangan ba kaming mag bestfriend din?
Ang kuya ko ay high school na, ang bunsong kapatid ni Gab naman ay grade three pa
lang. Kaming dalawa, grade five. Kailangan ba naming maging magbestfriends din?
Paano kung ayaw ko? At paano kung gusto ko siya...
Paano kung gusto niya? Pagbibigyan ko ba siya?
Paano kung ayaw niya? Pagbibigyan ko ba ulit siya?
O baka naman... Kahit ano, ibibigay ko sa kanya dahil gusto ko siya?
Eto ang gumugulo sa isip ko simula pa noon. At hanggang ngayon, hindi ko parin alam
kung ano ba talaga?
Kung grade five ka at wala ka namang ginagawa bukod sa pagbuntot sa bestfriend mong
team captain ng basketball player at pakikipag asaran mo sa isang lukaret na babae,
maraming pwedeng mangyari sayo. Pwede kang magka puppy love sa isang teammate ng
bestfriend mo, pwede ka ring sumali sa isang pipitsuging pepsquad na itinatag nang
kalolalolahan ng may-ari ng school niyo, at pwede ka ring iwan ng bestfriend mong
pupunta na pala ng Ireland.
Oo. Ganun ka rami ang pwedeng mangyari sa akin noon.
"Bye, Eiji! Babalik ka pa ba?" Tanong ko sa bestfriend ko habang tinatahan ako ni Jana -
ang lukaret kong kaibigan.
"Di ko pa alam, Cel, eh." Yinakap niya ako. "Magpakabait ka na lang muna habang wala
ako. Okay?" Sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.
Simula grade one, kaibigan ko na si Eiji. At talagang ang bait-bait niya. Siya pa yung