Minsan,palagi o madalas? Kailangan ba nating masaktan bago matuto? Kailangan ba nating magkamali para malaman ang tama?
O hayaan nalang na mangyari ang lahat ng bagay dahil lahat naman ay may kanya-kanyang rason.
Hindi importante kung nasaktan ka ba o nasasaktan o mananakit. Ang importante ay nagmahal ka,naging matagumpay man o hindi. Patuloy ka lang sa pagmamahal. Maraming maaaring itawag sa atin: tanga,bobo,manloloko,paasa,mananakit,masamang tao,mapagmahal na tao. Iba iba.
Pero ang pag-ibig hindi yan nararamdaman sa ano mang tawag o pangalan. Kapag nagmahal ka dinaramdam mo ang bawat emosyon na nakukuha mo at ipinaparamdam sa iba.
Mainit na yakap,‘mahal kita’ 'kumain ka na?’ 'namimiss na kita’. Yan ang mga ala-alang bumabagabag at bumabalik sa isipan ko sa tuwing matutulog ako gabi-gabi at syempre hinding hindi mawawala ang mga tanong na 'kelan mo kaya ako kayang mahalin?’ 'Mahal mo ba talaga ako?’ 'minsan ba sa buhay mo minahal mo ako?’.
Ako nga pala Kiel Palacio 16 years old,4th year high school at ilang buwan nalang sa wakas makakagraduate nako at magkokolehiyo na!
Gigising ng maaga,maliligo,maghahanda at babyahe papuntang paaralan medyo nakakapagod pero nawawala lahat ang mga ito sa tuwing makikita ko ang mga ngiti ng mga kaibigan ko na siyang nagpapasaya sakin araw-araw,maghapon ang pasok ko at medyo hassle ito dahil malayo ang bahay namin sa paaralan kaya pagkauwi ko sa hapon pagod at bagsak ang katawan sa kama kasabay pa nito ang mga iba’t-ibang bagay na pumapasok sa isipan ko,mga ala-ala namin at iba pa.Ganyan ang takbo ng buhay ko magmula noong iniwan niya ako.
Nakilala ko siya noong nasa 2nd year high school ako, naging parte siya ng buhay ko bilang isang kaibigan.Naging magkaibigan kami dahil nasa iisang seksyon kami at dahil rin kaibigan niya yung kaisa-isang kakilala noon,isa pala akong transferee noon kaya wala akong masyadong kakilala.
At oo hindi natin maikakaila na sa dalawang magkaibigan may isang lihim na nagmamahal,at sa palagay ko sa aming dalawa ako yata yung may lihim na pagtingin.
Unang linggo palang ng pasok noon,Wednesday pero dahil nga wala pa akong masyadong kakilala hindi ko pa siya napansin hanggang sa Biyernes,yun yung araw na unang beses ko palang siyang nakita sa buong buhay ko,Aaminin ko may iba akong naramdaman hindi ko maipaliwanag,basta ang alam ko magiging importante siyang tao sa buhay ko at sa tuwing nakikita ko siya alam kong may mali at mali akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag,kumbaga ito na ang tinatawag nilang love at first sight at sa wakas! naranasan ko na rin.
Ibang-iba yung pakiramdam ko magmula noong nakita ko na siya mas lalo akong ginanahang pumasok imbes na tamarin ako dahil katatapos pa lamang ng mahabang bakasyon at nahihirapan akong magadjust dahil bago palang ako,pero hindi dahil parang gusto ko naring lagpasan ang sabado at linggo para lang magkita ulit kami.
So ayun nga lunes na! Ang pinaka hihintay kong araw bale ikalawang beses na namin itong pagkikita,excited ako hindi ko alam kung bakit pero ginaganahan akong pumasok kahit alam kong ito na yung linggo na magsisimula nang maglesson ang mga guro. Pero hindi kasi yon ang iniisip ko sa panahon na yon,ang tanging nasa isipan ko lamang ay 'sana mapansin na niya ako’ 'sana mag-usap na kami’.
Hindi naman ako nabigo sa kagustuhang makausap ko siya,dahil nga kaibigan niya yung kakilala ko.
Lumapit ako kay Jaime at hindi ko rin inaasahan na may paguusapan rin pala sila
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo,pero hindi tinadhana
Short StoryKwentong punong puno ng hinanakit sa mundo ng pag-ibig. Kung paano sinira ng tadhana at panahon ang pananaw ko sa pagmamahal at mga aral na iniwan sa akin para maniwala ulit sa salitang forever. Ito ang kwento "Ko" at "Niya" hindi "Namin" at walang ...