♡2

9K 318 9
                                    


White at blue ang kulay ng dingding ng kwarto, umupo ako sa kama, habang pinagmamasdan ang buong paligid, napansin ko din ang mga iba't-ibang guitara na nakasabit sa dingding,

"Kay chester itong kwarto."

Kusang tumaas ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan nya, ewan ko ba ang init ng ulo ko doon sa hambog na 'yon,

"Uuwi na lang ako jake,"tatayo sana ako pero pinigilan ako ni jake,

"Monica, alanganing oras na kapag umuwi ka. delikado sa daan, alam ko'ng hindi maganda ang first encounter mo kay chester, pero intindihin mo na lang, women hater 'yon,"

"Bakit naman? Na broken hearted ba s'ya dati? kaya galit s'ya sa babae, kung sabagay.. Kahit naman ako. kapag ganyan naman ang ugali ng magiging boyfriend ko, baka makipag break din ako," inis ko'ng sabi kay jake,

"Haha! Obvious na galit ka sa kanya noh! Mabait naman yon si chester,"

"First impresion last," sabi ko,

"Aish, baka mamaya galit na galit ka sa kanya baka mamaya malaman ko, in love ka sa kanya," biro sa'kin ni jake,

"ASA! OVER MY SEXY BODY!" sabi ko sa kanya, abah! Kahit flat chested ako, sexy naman ako, sabi ko sa isip ko,

"Aish, sige! Matulog kana, kasi baka hindi mo kayanin makita ang mga pinaggagawa ng mga 'yon sa labas, bawal sa bata," biro pa nya sa'kin, tumayo ito at nag-umpisa ng maglakad palabas,

"Ahm- si chester ba? May kalandian din ba sa labas?" Curious kong tanong, huli na bago ko narealize na mali ang pagtatanong ko, lalo tuloy ako'ng inasar ni jake kay chester,

"Uyy- Curious s'ya kay chester, crush mo noh!"

Sumimangot ako, "tse! Asar ako do'n, natanong lang dahil kanina kasi minumura nya yung babaeng nalapit sa kanya,"

"Hindi s'ya nakikipag Fling, nagkukulong lang 'yon sa isang kwarto dito, mailap yon sa babae, kaya idouble lock mo ang pintuan baka mamaya pumasok 'yon dito, sakalin ka na lang,"nakangisi pa nitong sabi sa'kin,

Napailing-iling ako, habang naiisip ko ang sinasabi nya sa'kin, "H-hindi N-naman nya 'yon gagawin?"nauutal ko'ng sabi,

"Kaya isara mo maigi ang pintuan, Sleep tight monica" tapos lumabas na ito,

Pagkalabas ng pagkalabas nito, agad ko'ng sinarado ang pintuan, buti na lang may double lock ang pintuan, tapos nagkumot ako, ang sarap kasing matulog sa kwarto nya dahil may aircon, kaya naman agad akong hinila ng antok,



*****

Simula ng niyaya ako ni jake na sumama sa mga praktis at gig nila. Naging madalas na ang pagtambay ko sa balwarte nila chester, ganon parin si chester sa'kin, cold at suplado, hindi ko na lang s'ya pinapansin, dahil bukod tanging s'ya lang naman ang hindi kumakausap sa'kin, naging kabiruan ko na kasi sila xinon, natuto narin akong mag ayos at manamit, salamat kay melody s'ya ang nagturo sa'kin, kaya hindi na ako nagsusuot ng alpombra tuwing napunta sa kanila nagiging pansinin narin ako ng ibang lalaki sa bar, ewan ko baka nagagandahan sila sa'kin, pero kahit isa sa kanila hindi ko nakikita ang spark na hinahanap ko yung tipong bibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya, nasanay narin ako'ng iba't-ibang babae ang kasama nila tuwing may gig sila. Minsan pa nga kinakaibigan ako ng mga babae nila, para lang mapalapit sila sa mga playboy ko'ng kaibigan,

hinayaan ko na lang din si kysler na manligaw sa'kin, talagang pinangatawanan nyang liligawan nya ako, sinagot ko s'ya, hindi dahil mahal ko s'ya. Para lang maexperiene na magka boyfriend, naging okay naman kami ni kysler behave s'ya kapag kasama nila ako, hindi ako katulad ng mga dati nyang kaFling na nakikipaghalikan basta-basta, hindi ako nagpapahalik sa lips, Kaya minsan inaasar s'ya nila xinon. Dahil hindi daw makaiscore sa'kin si kysler, kaya naman isang araw kinausap nya ako,

PARTING TIME BESTFRIEND. PUBLISHED UNDER PSICOM (REEDZ VOL.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon