FACING THE EMO PART OF BEING SINGLE

202 4 0
                                    

Hindi madali ang maging single. Marami kang sasagupaing mga multo na paulit-ulit kang bibisitahin lalo na kung nag-iisa ka na lang sa kwarto at anino mo na lang ang kasama mo.

Emotional Panic

Habang mabilis na nagpapalit ang araw sa kalendaryo, marami ang kinakabahan. Lalo na sa mga ladies, torture ang unti-unting pagdating ng kanilang biological expiration date. Hindi maiiwasang makaramdam ng inggit o frustration sa tuwing makakakita ng mga couples na sweet na sweet. Mas tumitindi ang pressure kapag sunod-sunod nang nag-aasawa ang mga kabarkada mo. Worried ka na maiwan ng biyahe ng bus. You also fear the shrinking pool of eligible men.

Loneliness

Kahit nakangiti ang ilan kapag tinanong mo kung OK sila, kadalasang kabaligtaran ang nararamdaman nila lalo na kung sila ay nag-iisa. Sa kabila ng tagumpay mo sa career, you miss having someone whom to share your victories with. You miss hearing the saccharine words and sweet nothings from a partner. Takot ang iba na tumandang dalaga/binata. Many even contemplate on having a child without a husband. Mag-ampon na lang daw o dumaan sa in vitro fertilization. Pero mahirap naman ito kung gusto mo lang magkaanak for "instrumental" reasons – gagamitin mo pa ang bata para mapunan ang iyong kalungkutan.

Low Self-Esteem

Para sa mga taong nakapaligid sa iyo, hindi kumpleto ang anumang tagumpay na iyong matatamo kapag wala kang partner. Dito bumababa ang tingin ng maraming singles sa kanilang sarili. Kahit gaano sila kaganda, feeling nila sila na ang pinakapangit na tao sa buong mundo. Iniisip lagi na wala silang X factor na maaaring mapansin ng marami. Sa maraming pagkakataon, hindi nakakatuwa kung nagiging talk of the church/office ka at nagte-trending sa Twitter ang pangalan mo bilang most eligible bachelor/lady.

Uncertainty in Life's Decision

Dahil sa monotomy, hindi mo alam kung saan papunta ang buhay mo. Your major question: What is the purpose of my life? Maraming singles ang nagiging self-absorbed dahil sarili lamang nila ang kanilang iniintindi. Kakabit nito ang feeling of aimlessness. Kaya, ang iba, sinusubukan ang iba't ibang bagay para lang magkaroon ng kakaibang spice ang buhay (i.e. sexual activities).

Sexual Urges and Temptations

Single or married, hindi mo kayang pigilan ang raging hormones mo, lalo na if you are at the prime years of your life. The fact is, most singles, including Christians, masturbate periodically to release sexual tension. Kakambal nito ang guilt at depression. It is difficult to pursue sexual purity due to pervasive sexual pressure and temptations. Madalas kasama ng singles ang mga more senior at married-guy magnet ang mga dalaga. Ang resulta: Panay iwas sa mga nagpapapansin. They set boundaries all the time. Nakakapagod ang iwas ng iwas ha.

Relentless Social Pressure

Isa sa pinaka-nakakaasar na parte ng buhay-single ay ang sandamakmak na pagpuna, panunuya o panunukso mula sa mga taong nakapaligid sa iyo. Kahit ang mga simbahan ay madalas hindi supportive sa ideya na OK lang ang maging single. Kahit ang mga Singles' Ministries ay may subtle attempts to pressure its members to get married. Due to unwanted social pressure, many women settle for guys who are below their standards.

So, paano mo haharapin ang mga hindi matigil-tigil na tukso? Una, dedma ka lang. Never dignify the issue. Ngitian mo lang. Magsasawa rin sila. Pangalawa, you can confront them head-on. You must have the gentle audacity to say: "Hindi ko kailangan ng ka-partner para maging Masaya!" Third, kung talagang nakakairita na ang mga panunukso, magdesisyon na umiwas sa mga taong nambubuska. Huwag nang pumunta sa mga lugar kung saan ikaw ang magiging target ng pang-aasar. Yan ay kung madali kang maapektuhan ng kanilang panunuya. 


Lovestruck: Singles EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon