Chapter 1: Sensationally Single

373 4 1
                                    

"Being single doesn't necessarily mean you're available. Sometimes you have to put up a sign that says, "Do Not Disturb" on your heart. -Anonymous

In a couples-crazed world, singles are often perceived as misfits and virtual outcasts. Ang tingin ng maraming tao ay parang may mali sa iyo, na maladjusted ang personality mo, kapag single ka pa. Meron kasing tinatawag na imaginary magic age, such as 18 or 21, na kapag tumuntong ka na sa edad na ito, kailangang meron ka nang significant other. If we follow this logic, dapat daw na by the age of 25, either may engagement/wedding ring ka na o may inaalagaan ka nang cute na baby. Sa showbiz, pagtuntong mo ng trenta, puwedeng-puwede ka na sa mga mother roles. Dahil may biological clock ang mga babae, mas matindi ang pressure sa kanila para magkaroon ng BF. May inverse relationship kasi ang edad ng babae sa kanilang prospects na mapansin ng mga guys, na mas pipiliing makipag-date sa mas bata sa kanila.

Dahil sa pagdami ng singles, nag-boom ang online dating industry, dumami ang speed-dating events (ala one-minute love affair), dumagsa ang mga librong nagbibigay ng advice tungkol sa kung paano ka magkakaroon ng partner na pinapangarap mo, tumaas ang sales ng mga romance pocketbooks, dumami ang travel packages for single backpackers, sandamukal ang discount sa mga discos at single's bar, at marami pang iba.

Tanggapin natin ang katotohanan na hindi lahat ng singles ay makakapag-asawa. Ibinigay na halimbawa ng Panginoon ang mga "eunuch". They failed to marry either due to personal choice or unforeseen circumstances. As Matthew 19:11-12 (NIV) reveals: "Not everyone can accept this word, but only those to whom it has been given. For there are eunuchs who were born that way, and there are eunuchs who have been made eunuchs by others – and there are those who choose to live like eunuchs for the sake of the kingdom of heaven. The one who can accept this should accept it."

Ang mga "eunuch" (o "bating" sa Filipino) ay tagapaglingkod sa kaharian. In particular, sa mga kwarto at korte ng reyna at prinsesa sila nagsisilbi. Malaki ang sweldo ng mga eunuch kumpara sa ibang manggagawa. Hindi sila nakakapag-asawa dahil wala silang kakayahang magka-anak. Dumadaan sila sa castration (pagkakapon) para huwag maging banta sa hari kung sakaling matukso silang magkaroon ng sexual affairs sa reyna. Sa sinaunang mga Chinese dynasties, ginagamit ang castration para parusahan ang mga alipin o prisoners of war. Ganundin, meron ding mga ginustong maging "spiritual eunuchs" para maglingkod sa Diyos. Kabilang dito ang mga monghe, madre at pari. Kasama ditto si Pablo na nagdesisyon na manatiling walang asawa dahil sa kanyang ministry. He considered singleness as a high calling. Alam niyang mas matutupad niya ang ipinapagawa sa kanya ng Panginoon bilang misyonero sa iba't ibang bansa. Naibuhos niya ang kanyang panahon sa paglilingkod sa Panginoon dahil wala siyang pamilya na iniisip at inaalagaan.


Lovestruck: Singles EditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon