"Anak buti nakauwi ka na? Teka? Na saan si hans?" Tanong ni mama.
"Kasama ng girlfriend niya." Inis na sabi ko at pumunta sa kwarto ko. Ewan ko ba ba't ba ako naiinis dun wala nga ako dapat paki dun eh.
Dumapa na lang ako sa kama ko ar nagpagulong gulong. Hanggang sa maalala ko yung mga pinaggagawa ko kanina sa stage. Mas lalo tuloy akong nagpagulong gulong hanggang sa mahulog ako sa kama ko.
"Ang sakit." Sabi ko habang hawak hawak ang unang bumagsak sa akin. Hanggang sa may kumatok.
*Tok* *Tok*
Wala ako sa mood, ayoko pa na may makausap ako kaso itong bibig ko di mapigilan na di magsalita.
"Pasok po, bukas ang pinto." Wala sa mood na sabi ko at bumalik sa kama ko at niyakap si Mr. Teddy na nakalimutan ko na kung saan ko nakuha. Pero basta isa siyang human size bear, nandito pa rin nga yung box niya eh kasi minsan dun ko siya nilalagay.
"Hello kacy." Tinignan ko ang nagsabi nun at nagulat ako ng makita na nadito pa pala sila tita.
"Ah hello po tita." Sabi ko naman.
"Pwede ba umupo diyan sa tabi mo?" Tanong nito kaya naman tumango ako. Umupo naman siya sa tabi ko at napatingin sa yakap kong teddy bear.
"Mukhang love na love mo yang bear na yan ah." Sabi ni tita.
"Sobra po! Kasi si Mr. Bear laging nagpapasaya sa akin." Sabi ko na parang bata at mas hinigpitan pa ang yakap kay Mr. Bear.
"Kung tama ako yan ang binigay ni hans sayo nung bata pa kayo." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni tita at medyo nawala ang pagkahigpit ko ng yakap kay Mr. Bear.
"Ano pong sabi nyo?" Tanong ko dito. Sana mali lang ang naririnig ko kasi kung hindi baka ilayo ko na si Mr. Bear sa akin.
"Siguro kaya di mo maalala dahil sabi sa akin ng mama mo nakalimutan mo na si hans. Di ko naman ine-expect pati yung pagbigay niya sayo ng bear na yan nakalimut mo na." Sabi pa ni tita so ibigsabihin galing nga toh sa walang hiyang yun.
Napasimangot tuloy ako at inilapag sa may lamesa kung saan naman laging nakalagay si Mr. Bear, kaya nagtaka naman si tita.
"Oh ba't mo siya nilapag. Di mo ba alam sinabi sa akin ni hans yang bear na yan ay sa taong sobrang sobrang mahal niya." Sabi pa ni tita kaya naman bigla kong naalala ang kanina.
"Totoo po ba yun? Sa taong mahal lang po ba niya talaga ito?" Tanong ko pa dito.
"Oo" Nakangiting sabi pa ni tita.
Kaya kinuha ko si Mr. Bear at nilagay sa may box at binalot ko ng tape ang box.
"Kung ganun po mukhang nagkamali siya nang pinagbigyan. Hayaan nyo po ibabalik ko na toh sa kanya. Atsaka gusto ko din po sanang sabihin na ayoko pong pakasalan ang anak nyo." Tuloy tuloy na sabi ko na kinagulat naman ni tita at saktong pagpasok ni mama na may dalang tray ng pagkain.
"May dala akong food. Teka ano yang box na yan?" Sabi naman ni mama.
"Ah kacy baka pagod ka lang, kulang ka siguro sa tulog kagabi nuh. Hehehe, pahinga ka na muna. Usap lang muna kami ng mama mo ah." Sabi ni tita at hinila si mama palabas.
Pagod? Hindi ako pagod nuh! Humiga ulit ako sa kama ko at niyakap ang unan na tiyak na akin na. Sigurado na ako na hindi ito galing kanino man. Kahit man sa walang hiyang yun at sa nakakainis niyang girlfriend. Aggghhh! Hindi ko dapat tinanong kay Hans yun eh. Kasi obviously magkababata nga kami kaya nga siguro napgdecisyunan nila mama na ipakasal kami sa isa't isa and that bear *Biglang tingin kay Mr. Bear*
BINABASA MO ANG
Loving That Person
Short StoryLoving that person makes me happy... Yet it also makes me sad and feel hurt... Sometimes i feel jealous... What would be my ending look like if I keep loving? Will that person love back? (Edited)Author; Omo! Hi guys! Ito po ang first short story na...