A Priest Story

680 21 14
                                    

Kahit ilang beses kung gawin na sabihin sa kanya na lubayan niya na ako, hindi parin siya nakikinig.

Ilang beses ko siyang pinag-tripan, siniraan at pinahiya sa buong campus, binawalewala niya lang ito.

Marami pang mga plano ang pagpapahiya ko sa kanya pero katulad lang ito nung una, lahat ng gawin kong mali ay balewala lang sa kanya.

16 years na yung nakaraan nung unang beses ko siyang nakita. When I met her, my life change forever.

Naglalakad lang ako sa 2nd floor doon para makipagkita sa mga kasamahan ko nang may narinig akong boses sa isa sa mga rooms doon. Pinuntahan ko yun. Nagulat ako sa nakita ko, isang babaeng nakaratay sa sahig na naliligo sa sariling dugo. Halos kinalibutan ako sa nakita ko.

Kaawang-kaawa yung kalagayan niya. Puro gasgas at pasa ang natamo niya sa kanyang katawan. Halos yung buong damit niya ay punit-punit na.

Kaya tinulungan ko siya at dinala siya sa pinakamalapit na hospital.

After that incident, hindi ko na ulit siya binigyan ng chance na makausap kasi nagtaka ako sa sarili ko eh, parang biglang kinakabahan ako kapag nakikita ko yung mukha niya. Parang may sinasabi yung puso ko na matagal ko na siyang kilala. 

Pero malabo yun, mga gangsters lang ang mga kaibigan ko at wala ng iba, hindi naman lumalapit yung mga classmates sakin eh dahil magagalit ako pag ginawa nila 'yon. And aside from that, hindi ko naman kailangan ng pasalamat eh. Ang gustong ko lang ay makatulong.

Akala ko nung una lulubayan niya na ako, yun pala hindi. Kada uwian o recess parati nalang siyang sunod ng sunod sa akin, para nga siyang buntot kung umasta. Kahit anong pilit kong sabihin sa kanya na lubayan niya na ako hindi pa rin siya nakikinig sa akin.

Nagtaka nga ako sa kanya eh, kung bakit may dala-dala siyang sketch pad at lapis. Kung tatanungin ko naman siya na layuan niya ako, agad naman siyang magrereply gamit sa pagsusulat sa sketch pad niya. Ang weirdo niya.

Umabot rin ang asaran ng ilang buwan. Hanggang sa umabot na yun ng Valentines Day.

Maaga akong nagising nung araw na yun para iwas gulo sa school. Maaga akong nakasakay sa tren mga bandang 6:30 ng umaga.

Nasa train na ako nun, ilang minuto rin ay nasa subway na yung train.

Nang biglang nagkaroon ng malakas na pag-alog at maririnig mo ang isang malakas na screech. 

Pagkatapos, tumigil ng biglaan yung train with a very strong impact kaya naman napasubsob ang halos lahat ng mga passengers sa sahig ng train. Namatay yung mga ilaw. Masyado ng madilim. Buti nalang at lumiwanag kahit kunti sa loob ng tren, dahil sa sikat ng araw at kahit papaano rin makikita at maririnig mo na maraming umiyak at humihingi ng tulong. 

Dahil sa malakas na pagka-alog ng tren maraming salamin ang nabasag at mga bagaheng nagkalat sa sahig. Maraming natamaan nito, maraming nauntog sa kung saan, ang iba naman maraming nasugatan at hindi ko na alam kung buhay pa yung iba.

Ako? wala namang nangyari sakin. Sa pagkakatanda ko, parang may yumakap sa akin at napasubsob rin sa sahig at hindi ko na tanda ang sunod na nangyari.

Sa pagmulat ko, nakita ko si Weird Girl na nasa ilalim ko na habang yakap yakap niya ako.

"Weird Girl?"

Nakita ko siyang naliligo sa sariling dugo. Wala talaga akong alam na nandoon pala siya sa loob ng train. Akala ko aasarin na naman niya ako, nandoon pala siya para iligtas ako.

"Uy, Weird Girl! Ok ka lang?" imbes na sagutin, ngumiti nalang siya na parang walang nangyari.

May kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay yung kinuha niya sa akin, isa itong bulaklak. Actually, tuyo ito. Hindi ito yung bulaklak na kabibili lang. Tuyo ang petals at tsaka ang dahon nito.

A Priest StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon