16 Years Later

342 23 18
                                    

16 years later...

"At simula noon, nagsisi siya sa lahat ng ginawa niya. Kaya, nangako siya kay Arietty na magbagong buhay at hindi naman niya ito binigo, tuluyan na nga siyang nagbago. At doon nagwawakas ang ating kwento."

"Ay, Ang lungkot naman nung ending, Father" lungkot na sabi ni Angel. 

"Oo nga Father, wala pong nakatuluyan sa kanya?" tanong ni Mary Jane. 

"Oo nga po, namatay na po yung gf niya eh" dagdag ni Clark Dave.

Agad naman akong ngumiti sa kanila.

"Alam ninyo mga bata, hindi naman importante kung sino ang makakatuluyan niya eh. Ang importante kung paano siya nanibagong buhay."

"Father, father, paano po siya nanibagong buhay?" tanong ni Kersey.

"Tulad ng paggawa ng mabuti. Tulad ng pagtulong sa kapwa, pag-aaral ng mabuti at higit sa lahat ang pinaka importante ang pananalig at pagtitiwala sa Diyos. Kahit maraming mali pa tayong nagawa, nandyan parin ang Diyos na handang yamakap sa atin. Tandaan niyo yan mga bata ha?!"

"Opo Father, tatandaan po namin yan" sabi ni Chris Anne 

"Salamat po sa story na touch po kami!" sabay hug nilang apat sakin.

"Oh, ayan na pala ang mga mama niyo. Sige magpaalam na kayo kay Father" sabi ni Sister Aida.

"Babye po!" At nagpaalam na sila. "Sige paalam"

~*~

Nung una nawalan talaga ako ng pag-asang mabuhay, kasi tuluyan na siyang nawala sa piling ko.

Nagpakamatay ako nun. Naisip ko na mas mabuting mamatay nalang ako dahil napakasama kong tao, nagawa kong saktan ang pinakamamahal ko.

Pero hindi ko inaasahan na mabubuhay pala ako.

Nung narinig ko yung payo ni Father Brian sakin, nag decide akong paniwalaan iyon. Naniwala ako for the first time sa buhay ko. Hindi ako binigo tuluyan na nga akong nagbago.

Nag-aral akong mabuti para makabawi sa mga failing grades ko dati at everyday narin akong pumapasok sa school at never akong nagpapalate. Nakikipag cooperate narin ako sa class at nanghingi rin ako ng tawad sa mga kaklaseng binugbug ko nung una.

Sabi daw nila, para daw akong nasapian dahil bigla-bigla nalang akong naging ganito sa mga kaklase ko kasi malaki na raw ang pinagbago ko.

Nagquit narin ako sa pagiging gangster.

Kinausap ko ang lider namin na magquit ako pero bugbug ang naabutan ko. Hindi ako sumuko nun, hanggang sa nadecide rin siyang magquit na rin ako.

Nagpatawad ako sa mga nasaktan ko nung una at pinatawad naman nila ako. Nagpatawad rin ako sa mga magulang ko sa mga kasalanang nagawa ko sa kanila. Parati na kasi akong naglalayas sa bahay at hindi ko rin sila ginalang nung una pero pinatawad naman nila ako sa huli.

Marami akong nagawang mali nung una. Akala ko hindi nila ako mapapatawad, nagkakamali pala ako.

Nag-aral akong mabuti hanggang sa nakapagtapos ngsssss high school at college. Nagdecide akong maging isang pari pagkatapos kung grumaduate sa college.

Simula noon hindi nako naging pasaway, naging madasalin na ako, kasabay rin nito ang pagtulong ko rin sa simbahan ni Father Brian. At nung pumanaw siya, ipinagkaloob niya sa akin ang simbahan na matagal na niyang inaalagaan. Tinanggap ko naman ito ng wagas.

Hindi ko inisip na nakamit ko ngayon ang pagiging isang pari. Parang kailan lang parang naging masaklap ang buhay ko. Pero kasabay rin nito, kung paano ako bumangon at natuto sa lahat ng mga maling ginawa ko.

Maraming nagtanong sa akin lalong-lalo na sa mga magulang ko kung bakit naisipan kong mag pari, isang bata lang naman akong pasaway at higit sa lahat walang nagawa sa buhay kundi ang maglakwatsya at manghahanap ng gulo.

Isa lang naman ang nagpabuhay sa aking pagkatao, yun ay si Arietty. Akala ko, wala ng taong magpapabago sakin pero nagkakamali pala ako. Siya talaga ang dahilan kung bakit ako nagbago ng ganito. Siya yung dahilan kung bakit naalala ko lahat ng mga nangyari sa amin nung una. Ngayon, nagpapasalamat talaga ako sa kanya at kay Father Brian, kung wala sila, wala ng Shawn ang nabubuhay sa mundong ito.

Yung amnesia ko nawala na. Siya yung nagturo sa akin na kahit ilang pagsubok ang aking tatahakin walang impossible kung mananalig ka sa iyong sarili at sa Panginoon.

Minsan, parati ko siyang iniisip at na mimiss ko rin siya kahit kunti lang yung oras nang pinagsamahan namin, pero kahit ganun, mayroong pagkakataon na ang puso ko lang ang makakapagliwanang. Dahil ngayon, mahal ko parin siya.

Ilang taon na ang nakaraan, hanggang ngayon, mahal ko parin siya kahit namatay man siya but still Im lucky enough that I met her.

Tinago ko parin yung mga gamit niya tulad nung sketch pad, lapis at bulaklak na binigay niya sa akin. Ito nalang yung silbing alaala ko sa kanya. Nagsisisi ako sa lahat ng panahon na nasayang at sa lahat ng masasakit na salitang nabitawan ko sa kanya.

Pero ganyan talaga ang buhay para lang yang bicycle, to make it balance you must keep moving on. Hindi dapat tayo magpabaya sa sarili, dapat bumangon tayo sa lahat ng mga maling nagawa, kahit ilang beses tayong nagkamali, life must go on.

Kahit ang estorya namin ni Arietty ay tapos na, but in life, every ending is just a new beginning kaya nagsikap akong makapagtapos ng pag-aaral at pagsilbihan ang Diyos.

It is now sixteen years later, and I can still remember everything from that day.

One thing I still havent told you:

I now believe, miracles really do happen. :)

A Priest StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon