Love At First Sight [Part-1]

16 1 1
                                        

Maxine's POV

 ♪♫And I never felt this way before 

And I wanna give you all my world cuz ♪♫

♪♫You you make me believe in love at first sight 

And I do, yes I do, I-I do, yes I do ♪♫

♪♫You you make me believe in love at first sight 

And I do, yes I do, I-I do, yes I do ♪♫

"Kyaaaaahhhhhhh!~" hindi ko namalayan napasigaw na pala ako. Eh kc naman sobrang kinikilig talaga ako eh. Hihihi. ^_^ Sa kanta lang naman. Wala kasi akong lovelife katulad ng bestfriend kong si Pheia(Fia). LOVELESS talaga ako. Pero umaapaw ang aking CRUSHLIFE. Hihihi ^_^ Halos masira na ang listahan ko eh sa sobrang dami kong crush. Ay hindi pala halos masira. Sirang sira na.

"Waaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!" napasigaw nanaman ako.

Nagulat ako kaya napatalon ako sa kama ko kasi naman biglang bumukas yung pintuan eh. Ay? Si mama lang pala. Akala ko kung sino na.

"Oh ma? Ikaw lang pala. Ginulat niyo ako. May kailangan ka po ba?" Nakangiti kong tanong sa kanya. 

"Naku naman anak! Halos mamatay na ako sa kaba. Bakit ka ba kasi sumigaw? Anong nangyari?" sunod sunod na sabi at tanong sakin ni mama.

Makikita mo ang pag-aalala sa mukha ni mama. Sobra yan kung mag alala sakin eh. Kasi naman nag iisa lang akong anak. Takot siyang mawala ako. At ang tatay ko? Naku! Asa pa ako dun. Nadun siya sa kabit niya! May iba na siyang pamilya. *sigh* Kaya kami nalang ni mama ang natitira. Ganito talaga ang buhay parang life. Wala tayong magagawa. Haist. Life why so hard on me eyyy? 

"Ahhh. Ehhh. Hehe. Sorry po ma. Ano kasi. Kinikilig ako eh. Hehe. ^_^V" nakangiting sabi ko kay mama sabay peace or V sign. 

"Naku anak! Masyado ka pang bata para sa ganyan. Mahirap masaktan noh! Kung alam mo lang kung gaano kasakit."  malungkot na sabi ni mama. 

Naiintidihan ko naman si mama eh. Ayaw niya ako masaktan kasi naranasan niya na yan eh. Nasaktan siya nung iniwan kami ni papa. Iniwan kami para dun sa mukhang clown niyang kabit. Hanggang ngayon kasi mahal parin ni mama si papa. 

"Alam ko naman po yun ma eh. Ma pwede po ba ako pumunta ng Plaza? Kasama naman po si Pheia eh."

"Oh siya, cge. Aalis na ako ha. Ingat ka."

"Opo ma. Ingat ka din po" At sinarado na ni mama ang pinto. 

Naku naman. Ang boring! Wala akong magawa dito kundi makinig lang ng mga kanta. Text ko nalang nga si Pheia na pumunta kami ng Plaza. Manunuod ako ng mga gwapong nag babasketball dun. Hehehe. ^_^

To: BFF_Lokaret Peya ♛

Hoy! Peyaaa! Pumunta ka ng Plaza ngayon. As in NOW na. Magkita tayo. BORED ako eh! 

Message Sent ✔

*beep beep*

From: BFF_Lokaret Peya ♛

Loka! Nandito na ako. :D

Ang bilis mag reply nito ah. Ang bilis din niya ah. Nandun na kaagad siya? Ano siya? Si Flash? Sigurado ako may date sila nag boyfie niya kaya nandun na siya. Tsk tsk tsk. At siguradong sigurado din akong makikita ko nanaman silang naghaharutan! 

Hindi na ako nag reply. Humarap ako sa salamin at inaayos nalang ang sarili ko. Pagkatapos ko mag ayos. Pumunta na ako dun. Nag lakad lang ako kasi naman malapit lang. 

Akalain niyo yun nasa malayo palang ako ha. Kitang kita na kaagad ng mga magaganda kong mata ang dalawang taong naghaharutan. Alam niyo na kung sino yan! Sino pa ba? Edi si Pheia at ang gwapo niyang Boyfriend na si John Ray! Hihihi. ^_^ Oo, gwapo yan. Swerte nga ng BFF ko eh.

Dumaan ako sa harap nila. Hindi talaga nila ako napansin ha. Paano ba naman kasi nila ako mapapansin eh, busy silang magharutan Gulatin ko nga! *evil laugh*

"Hoy! Mga lovebirds! Tama ng Landian yan!" sigaw ko sa kanila, para magulat sila. Hehe.

Napalakas yata ang boses ko ah. Nakatingin kasi lahat ng tao sa amin eh. Ay hindi pala. Sa akin lang. Nakakahiya. Napayuko tuloy ako. Haha. At tinignan ko ang mukha ng mga lovebirds, effective ang pag gulat ko sa kanila. Hehehe. Hindi lang sila nagulat eh. Gulat na gulat talaga. Haha. 

"Ano ba yan Lokang Maxine, nakakagulat ka naman eh!" pasigaw na sabi ni Pheia

"Hahaha! Eh kasi naman LOKANG Peeeeeeeeyaaaaaaaaaa, hindi niyo ako napapansin eh yan tuloy hindi ko na napigilan sarili ko nagulatin kayo!" pasigaw ko rin na sabi sa kanya in a sarcastic tone. Hinabaan ko talaga ang pagkasabi ng pangalan niya para mas lalo siyang mainis sa akin. Haha. Trip ko lang naman. 

Akala niya ha, siya lang marunong sumigaw. Hehe. Halatang na inis na inis na siya sakin. Eh kasi naman, sino bang hindi maiinis kung istorbohin ba naman kayo ng boyfriend mo. Diba? Haha.

"Oo na! Cge na!" iritang sabi ni Pheia.

"Haha. Hi John. (◕‿-) "pa cute kong bati ko kay John Ray sabay wink.  

"Hello Max! Ang cute mo talaga" nakangiting sabi ni John at pinisil yung cheeks ko. 

John, wag kang ganyan. Kinikilig ako eh. Baka mamaya agawin ko ang gwapong nilalang na ito sa bestfriend ko eh. Hehe. Pero joke lang naman. Magagalit sakin si Pheia, mahal na mahal niya yan eh. Saksi kaya ako sa pagmamahalan nila. xD Haha.

Humarap naman ako kay Pheia. At ganito mukha niya. (-'_'-) Haha. Nagseselos siya! 

"Kung hindi lang kita BEST FRIEND Max, baka napagkamalan ko nang may gusto ka sa boyfriend KO eh. " sabi sakin ni Pheia. Wow ha! in-EMPHASIZE niya talaga ha. Selos lang kasi eh. Haha. 

"Uy ang baby girl ko nagseselos. Wag ka na magselos. Ikaw naman love ko eh."sabi ni John kay Pheia sabay kiss sa noo nito.

Yuck! Ewww! Ang corny nila. Baby girl daw? Ewww. Nasusuka ako. Pero ang sweet nung kiniss nya yung noo ni Pheia. Hehehe. Ang gulo ko lungs. xD

"Kayo na ang sweet." sabi ko sabay talikod sa kanila.  

Naglakad na ako palayo sa kanila. Hindi ko naman sila maistorbo eh. Busy talaga. Ganun ba talaga pag may BF? Aissshhhhh. Oo nga pala, nakalimutan ko. Manunuod ao ngayun ng mga nag babasketball. Hehe. ^_^ Makakakita nanaman ako ng gwapo neto. 

Pumunta ako sa may isang bench at na upo dun. Ang gagaling nila at ang ga-gwapo pa. May isang lalaki na nakakuha ng attention ko. Oh my! Ang gwapo niya. Siya yata ang pinaka gwapo sa lahat ng nagbabasketball. Nakakalaglag panty. Hihihi. ^_^ Whoa!? Jersey#17. Favorite # ko pa talaga ha. Nakatingin lang ako sa lalaking naka Jersey#17 na iyon at Hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako. :)

 "Ganda ng ngiti natin jan ah." istorbo naman to. Sino pa ba to? Edi si Peeeeeeyaaaaaaa!

Tinignan ko lang siya at ibinalik ang tingin ko sa Gwapong nilalang na naka kuha ng attention ko. D na niya pala kasama ang boyfie niya. Tapos na siguro sila mag landian. Umupo naman siya sa tabi ko at sinundan ang tingnan ko. Nakikita ko po siya sa Peripheral vision kow.

"Kaya pala ang ganda ng ngiti mo eh, nakakita ka pala ng gwapo." sabi niya ng naka ngiting nakakaloko. 

Dahil sa wala naman akong masagot. Humarap ako sa kanya at nginitian nalang siya. Ang ngiti nanaman niyang yon. May binabalak to na masama eh. Alam na alam ko na may binabalak tong gawin eh. Naku.  Pag kasi may binabalak yang masama talagang magagalit ka sa kanya. Kinakabahan na tuloy ako. 

*

Ano kaya ang masamang binabalak ni Peeeeeeyaaaaaaa? Naku! Kinakabahan na talaga si Max.

Sorry.. Ampangit.. Minadali ko lang yan.. At walang pumapasok sa utak ko kung ano pede kong isulat jan.. 

Vote and Comment :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon