ONE

206 4 0
                                    

Si Drake Timothy

"Jell, Anak naman inumaga ka na naman sa pag-uwi. Baka hindi mo na naasikaso ang pag-aaral mo niyan.", Ani mama habang hinahainan ako ng agahan.

"'Ma, call center agent ang trabaho ko, natural lang na umagahin ako sa pag-uwi. Atsaka isa pa, malapit na ang bayaran ng tuition nina Rye at Rina." Sagot ko kay mama.

Napabuntong hininga nalang si mama. Wala na kaming ama. Sumakabilang bahay na. Iniwan niya ang mama ko, at kami ng mga kapatid ko, kapalit ng pera. Mayaman ang bagong asawa ni tatay ngayon, at nakikita na lamang naming siya sa TV, bilang isang sikat na negosyante, at director.

Naaawa din ako sa kapatid kong kambal. Tatlong taon sila, nung iniwan kami ni tatay at ako naman ay labing isang taon. Galit ako kay tatay. Nang dahil sa kanya, naghihirap kami ngayon. Nang dahil sa kanya kaya napasok ako sa trabahong meron ako ngayon.

Nabalik ako sa realidad nang marinig kong nagtatakbuhan papalapit sa mesa ang mga kapatid ko.

"Mama, si Rye po, inihian yung kumot ko mama. Ang panghi mama.!", sumbong ni Rina.

"Hindi mama! Hahahahahaha laway po yun ni Rina!!", natatawang sagot ni Rye.

"Kuya Rye, ligpitin mo yung kumot na 'inihian mo at nilawayan ni Rina' para malabhan ko mamaya. Faster ha! Para makakain na tayo." Utos ko sa kapatid ko na agad namang tumalima.

PAPASOK na ako sa school. Pinara ko ang tricycle ni kuya Cardo, kapitbahay namin. Pasakay na sana ako nang biglang magtatalak ang asawa niya.

"Punyemas ka Cardo! Wag kang magsasakay ng malandi sa tricycle natin. Mamalasin tayo.", sigaw ng asawa niyang si aling Bebang.

Mukhang natakot naman si mang Cardo, kaya nilampasan na lamang niya ako.

Immune na ako sa mga kapitbahay namin. Masyadong mabait si mama, para patulan sila. Palagi pang sinasabi ni mama na hindi raw siya maniniwala sa chismis na kesyo pokpok ako, at kung sinu sinong lalaki ang nilalandi ko.

OO, nagtatrabaho ako sa isang bar, bilang waitress at dancer. At kung magkataong may gustong i-table ako, pumapayag ako, pera din yun. ie'entertain lang naman ang mga customer, pero di ako pumapayag na I'date ako sa labas, o dalhin sa mga motel.

Kahit man lang papaano, may matira akong isang bagay na ipagmamalaki ko, pag nag-asawa ako. I AM A VIRGIN.

NAKARATING ako sa school at salamat sa mga paa kong naging matatag sa paglalakad. Wala kasing nagsasakay sa akin. Pero okay na rin, at least tipid sa pamasahe.

Daan daang pares ng mga mata ang nakatitig sa akin. Kalat din kasi sa campus ang tungkol sa trabaho ko. Madalas kasi sa bar ang karamihan sa mga nag-aaral dito.

"Psssssst! Jell!", narinig kong may tumatawag sa akin. Walang iba kundi ang best friend kong si Aika.

Ngumuso ako nang makita kung nasaan siya. "Ano bang ginagawa mo diyan sa likod ng puno? Baka pupugin ka na naman ng mga langgam." Nung isang araw kasi, namantal ang buong katawan niya dahil sa kagat ng langgam. Ini'stalk kasi niya yung crush niyang si James.

"Obvious ba!? Syempre hinihintay ko yung boyfriend ko!", sabay irap ni Aika sa akin.

"Boyfriend, Boyfriend.. alam ba niyang BOYFRIEND mo siya?" pang-iinis ko.

Hindi naman siya sumagot. Sa halip, ay nag-make face lang siya sa akin.

"kyaaaaaaaaaaaaah! Jell! Lumayas ka diyan. Di ko masipat yung magandang tanawin!", sigaw niya. Paparating na kasi yung crush niyang si James Dela Vega kasama sina Mikko Smith, Richard John Mendez, at ang pinsan nito na si Drake Timothy Aragon. Kilalang kilala ko na sila. Gabi-gabi ba naman tumatambay ang grupo nila sa bar na pinagtatrabahuhan ko.

At halos gabi-gabi din akong tini'table ng Drake Timothy Aragon na yun.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon