FÏVE

79 5 0
                                    

Meet & Greet


Nakapagbihis na ako. Binigyan ako ni tita Cassandra ng damit. Si tita Cassandra ang mommy ni Drake. Pababa na ako ng hagdan. Magpapaalam na sana ako sa mag-ina bago ako umuwi, nang marinig kong nagtatalo silang dalawa sa sala.



"Mom! I told you, she's just my schoolmate. Nakainuman lang namin siya nina Arjay. We're both drunk, fuck!" napasabunot si Drake sa kanyang buhok. Damang dama ko ang matinding galit ni Drake sa akin.



"My decision is final, Timothy. Kung hindi mo pananagutan ang babaeng 'yan, then just leave this house. Wala kang pamilyang babalikan dito. Walang mana. I'm telling you this, my son, because wala sa family natin ang tumatakbo sa responsibilidad. Naalala mo ba yung kinuwento ko sa'yo noon? Maaga akong nabuntis ng dad mo, dahil sa kapusukan namin, but he never ever leave US behind! Pinanagutan niya ako, and he did his best to be the best father for you.", napapaluha ako sa sinasabi ng ina ni Drake. Ang swerte ni Drake sa daddy niya. Hindi katulad ng daddy ko. Mukhang pera. Curse him!


"Fine. But never expect me, to love her. I'll just do what I have to, because of my RESPONSIBILITY." At tumalikod na siya sa kanyang ina. Paakyat siya ng hagdan at nagtama ang mata naming dalawa. He stared at me coldly.



Lumunok ako ng ilang ulit bago ako nagsalita. "a-ahm.. a-a-aalis na ako", nakayuko kong turan sa kanya.


"wala akong pakialam." Sagot niya at nilampasan ako. Narinig ko pa ang malakas na pagkalabog ng pinto dahil sa lakas ng pagsara niya nito.


"Hija, everything will be fine. After school, pupunta kami ng husband ko at ni Timothy sa inyo, para pag-usapan ang tungkol sa kasal, paki iwan ng address mo, sa center table.", malambing ang ngiti ng ina ni Drake. Napakabait ni tita Cassandra. Para tuloy akong nagi-guilty sa ginawa ko.


Ang plano ko lang naman ay, i-comfort siya, para mabaling ang atensyon niya sa akin. Hindi ko naman inaasahang may mangyayari sa amin.


NAKAUWI na ako sa amin. Pinahatid ako ng mommy ni Drake sa driver nila. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay mama ang lahat.


"Anak, bakit ngayon ka lang? pinag-alala mo kami. Hindi ka manlang nagtext.", sinalubong ko ng yakap si mama, at kasabay nun ang pagbuhos ng masagana kong luha.

"Mama, sorry po :'(" pag-uumpisa ko.

"Anak bakit? May nangyari ba sayo?", nag aalalang tanong ni mama. Inalalayan niya ako para makaupo, at saka inabutan ng isang basong tubig.


Kinalma ko muna ang sarili ko, bago muling nagsalita. "Mama, may nangyari po sa amin ni Drake 'ma. Ma, di ko napigilan ma. Nadala po ako. I'm sorry mama. Binigo ko kayo sa pangarap niyo sa akin. Sorry mama." Iyak ako ng iyak.


"Sshhh.. tahan na anak ko." Hinahagod ni mama ang likod ko. "Pananagutan ka ba niya?", tanong ni mama. Bakas ang pagka-alangan ng ngiti niya. Tinitimbang kung OO o HINDI ang isasagot ko.


"Opo ma, pupunta dito mamaya yung parent niya." Sagot ko. Medyo kumalma na rin ako.

"Mabuti anak.", ngumiti si mama. Tila sinasabing, 'OK na, mabuti at pananagutan ka'

AGAD akong nag gayak para pumasok sa school, pagkatapos namin mag-usap ni mama. Late na ako sa una kong subject.


Papunta akong cafeteria nang makasalubong ko sina Arjay, Mikko, at James. "Hey, Hey, Hey. Ikaw yung 'Joy' na naka-table ni Drake diba?" parang nanunuya na tanong ni Mikko.


"Tigilan mo nga 'yan Mikko. Para kang bata! Grow up!", sabi ni Arjay. Siya ang pinsan ni Drake. "So, how are you Jell?". Nanlaki bigla ang mata ko. Kilala pala ako ng pinsan ni Drake?


"O-ok lang naman. E-excuse me." Tumakbo na ako palayo. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pahiya, Inis, at taranta. Ewan ko ba? Di kasi ako sanay maki-socialize sa iba.


THE day went well. Well, kasi hindi ko nakita si Drake. Wala ako masyadong iniisip, maliban sa balakang kong masakit. Nagpadagdag pa sa panandaliang paglimot ko, ang kaibigan kong si Aika na kwento ng kwento, dahil nakasabay daw niyang kumain ng lunch si James sa cafeteria. Pakiramdam ko, may gusto yung James na 'yun sa kaibigan ko :3


Nasa tapat na ako ng gate namin, nang mapansin ko ang dalawang mamahaling sasakyan sa tapat ng bahay namin. Biglang sumibol ang kaba sa puso ko, nang maalalang pupunta nga pala sina Drake dito sa bahay.

Kinakabahan man, ay nagpatuloy ako sa pagpasok sa bahay namin.


Nang nasa pintuan na ako, halos mapaupo ako, dahil sobrang lakas ng panginginig ng tuhod ko, nang Makita kong LAHAT sila, ang mama ko, mommy ni Drake, Daddy niya, at si Drake.


"M-magandang h-hapon po.", bati ko, at nagmano kay mama, tita Cassandra at sa daddy ni Drake.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon