Boyish 01

179 3 1
                                    

Hi reader! First story ko 'to.Sana suportahan nyo.Salamat sa pagbabasa! :)


---

Alex's P.O.V.

"ALEX GUMISING KA MAY SUNOG!"bigla akong napabalikwas sa kama ko nang maramdaman ko ang malamig na tubig na binuhos sa macho kong katawan at marinig ang nakakabinging tili ng bakla kong pinsan na si Kaybert.

"HA?! NASAN TUMA-- Walang hiya kang bakla ka!"sabay suntok ko nang malakas sa balikat niya nang makita kong wala namang sunog.Todo iwas naman ang bakla,tinatamaan parin naman s'ya.Ang bobo talaga nitong baklang 'to.

"Bakit mo ba ko ginising? Ang ganda-ganda na ng panaginip ko e.Kahit kailan ka talagang bakla ka,panira ka ng moment!" pagkasabing-pagkasabi ko n'un ay inikot ko ang gwapo kong mga mata.Yeah,what you've just read's (pronounced as red's)  right.I view my self as a beautiful man or gwapo in tagalog.

"Magandang panaginip? Siguro nand'yan ako kaya naging maganda 'yang panaginip mo 'no?" tanong ng napaka-assuming na bakla.

"Magtigil ka ngang bakla ka't baka masapak kita ng wala sa oras." iritado kong sabi sa kanya.

"Teka,pano ba masapak ng nasa oras?"tanong ulit ng bayot na kaharap ko.

"Ewan ko sayo! Lumabas ka na nga!" iritado kong sigaw sa kan'ya.

Bago pa tayo malayo,magpapakilala muna ako syempre papalampasin ko bang magpakilala sa inyo? Alam ko kasing masyado kayong magagwapuhan sakin,e.Baka hanapin n'yo pa ko sa FB mali maisearch n'yo,sa halip na Alexandra Costales ,e,Super Gwapong Alex lang ang maisearch n'yo.Sayang naman kasi 'tong pangalan ko kung 'di magagamit.Hehehez.

I'm Alexandra Costales,ang pinakagwapong babae na humihinga ng polluted air pero gwaponess at kyotness parin at mahilig uminom ng B'lue na orange.Sixteen years fresh outta mother's womb,and living the life in Vegas,just kidding.Sixteen years old,isang butihing estudyante ng Gold University,hindi nabibigyan ng discount sa jeep tuwing weekdays kahit naka-uniform pero gwapo parin.Pag nagbibigay ng buong pera sa tindahan nila Aling Puring,candy ang isinusukli at palaging nagrereklamo kung bakit iyon ginagawa sa kan'ya e pera ang ibinayad n'ya na may kaunting sobra at hindi candy,since hindi naman naipambibili 'yon.

Super gwaponess at kyotness na machoness kasi may ABS (A Big Stomach) na anak ng Ina n'ya.Lastly,nabanggit ko na bang gwaponess at kyotness ako? Kung hindi pa,GWAPONESS AT KYOTNESS SI ALEXANDRA COSTALES! There you go.

Masunurin naman sya,kaya lumabas na.Kumuha na ako ng damit sa cabinet kong kulay blue,na halatang gwapo ang nagmamay-ari.Pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit.Inilagay ko sa labatory yung basa kong damit saka kinuha yung nabasang bed sheet at punda ng unan.

"Manang Jody! Patulong naman po." pagtawag ko sa katulong namin dito sa mansyon.

"Ano 'yun hija?" tanong n'ya pagkapasok n'ya sa kwarto ko.

"Patulong naman pong ilabas yung foam ko.Basa po kasi,e." sagot ko naman.

"Binuhusan ka nanaman ni John,no?" nakangiting tanong n'ya habang tinatanggal sa kama ko 'yung foam.

"Opo,e." saad ko.

"Sabi na,e.'Yung pinsan mo talaga na 'yun." nakangiting sabi ni Manang Jody na parang may naaalala.Binuhat na namin yung foam palabas at isinampay.Nagpaalam na si Manang Jody na may gagawin pa sa loob at bumalik na sa mansyon.

Namaywang ako at tumingin sa langit.Dinama ko ang medyo malamig-lamig pang simoy ng hangin,dahil ala sais pa lamang ng umaga.Habang nakatingin ako sa kalangitan ay biglang nagring ang aking telepono.Kinuha ko ito sa aking bulsa at sinagot ang tawag.

BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon