CHAPTER 1

24 1 0
                                    


NANAMI'S POV

"Im home"
kaswal na bati ko pagpasok ng bahay

"Oh, nandito na pala siya!"
nakunot ang noo ko ng may dalawang lalaking kasama si Marlene, she's my stepmom

"Who are they?"

"hindi mo na kailangang malaman, anyway siya si Nanami"
sabay baling niya dun sa dalawang lalaki

napakapormal ng suot nila yung parang pang bodyguard

tumango lang yung dalawang lalaki

"So ano? ok na? yung pinag usapan natin ha! kapag nagkaproblema wala ng bawian"

"tumutupad kami sa usapan"
sagot nung matangkad na singkit na lalaki isa siya sa dalawang lalaki kanina

hindi ko nalang sila pinansin
nagtanggal nalang ako ng sapatos
galing kasi ako ng school

"Sige na, pwede niyo na siyang isama!"

tinignan ko ng maypagtataka yung dalawang lalaki ng lumapit sila sakin

"Sumama kana samin"
maotoridad na utos nung isang lalaking matangkad din kaso malaki naman ang mata

"ha? bakit?"

"basta sumama kanalang!"
sabat pa nung singkit sabay hawak sa braso ko

"ano ba? bitiwan mo nga ako!"
sigaw ko habang pilit na inaalis yung kamay niya sa braso ko

"Nami!"
napatingin ako sa pinto

"kuya!"

"anong nangyayari dito? bitiwan mo nga ang kapatid ko!"
sabay tulak ni kuya dun sa lalaking nakahawak sa braso ko

"gusto nila akong sumama sa kanila kuya! pag susumbong ko

hinawakan nya ng mahigpit ang mga kamay ko

"Ano bang kailangan nyo?!"

tanong ni kuya dun sa dalawang lalaki

"Nabili na siya ng amo namin kaya kukunin na namin siya"

halos lumuwa yung mata ko sa lalagyanan niya dahil sa sinabi nung lalaking singkit ang mata

Nabili? ako? ....... wag mo sabihing

"A-anong ibig sabihin nito M-marlene?"

kinakabahan kong tanong sa stepmom ko,

"Hindi na kita kayang paaralin at isa pa wala kanang pakinabang dito magiging pabigat kalang kaya......ipinag benta na kita"

kibit balikat pang sagot niya sakin

na ikinawala ng lakas ko

"Nami!"

mabuti nalang at nasa tabi ko si kuya, agad niya akong naagapan para hindi bumagsak sa sahig

"Anong karapatan mo para ipagbenta ang kapatid ko?!"

bakas ang matinding galit sa boses ni kuya, ramdam ko rin ang panginginig ng kamay niya

"gusto mo bang sagutin ko yang tanong mo? pwes! AKO lang naman ang nag paaral at nagpalaki sa inyong magkapatid simula ng iwan kayo ng walang kwenta niyong nanay!"
halos maginit yung tenga ko dahil sa mga sinabi niya

"Tumigil ka! wag na wag mong sasabihan ng walang kwenta si mama!"

sigaw ko,

kahit sabihin pang siya ang nagpalaki samin wala parin siyang karapatan!

at isa pa, hindi naging maganda ang turing niya samin ni kuya, kahit kailan!

"Bakit? iniwan niya nga kayo diba? "

Nanami's Life with seven boysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon