- Yumi -
Pumasok ako sa eskwelahan, at as usual, late na naman ako sa first subject.
Kabadong kabado ako habang unti unti kong pinipihit ang doorknob ng aming classroom.
Pagbukas ko nito, lahat ng pares ng mata ay nakatingin sakin. Shemayy! Bakas sa mata ng values education teacher namin ang inis dahil late na naman ako at naka-interrupt ako sa klase nya.
"You are so early Ms. Yumi!" Sarkastikong sabi ni sir.
"I'm sorry for interrupting sir, good morning po." Sabi ko habang naglalakad papunta sa upuan ko.
Pagkaupo ko, itinuloy na ulit ni sir ang klase. Thank God.
"Grabe ka Yumi, ha? Consistent sa pagiging late!" Pag sesermon sa akin ng bestfriend kong si Pia.
"Oo nga! Tigas talaga ng mukha mo." Gatong naman ng isa ko pang bestfriend na si Tom.
"Shhh! Wag nga kayong maingay. Inaantok pa ko." Sagot ko matapos kong mag hikab.
Ipinatong ko ang siko ko sa aking desk, at ipinatong ang ulo ko sa aking palad.
Nagulat ako ng biglang sipain ng tao sa likuran ko ang paa ng upuan ko.
Lumingon ako sa likod at nakita si Kian na masama ang tingin sa akin.
Si Kian ay boyfriend ko for 7 months na. Hihi. 3rd year noong maging kami.
"Problema mo Kian?!" Inis kong tanong sakanya.
Umayos si Kian ng pagkakaupo. Hinatak nya ng kaunti ang kanyang armchair para mapalapit saakin.
"Late ka na naman!"
"Oo alam ko Kian."
"Hindi ako natutuwa pag ganon ka. Bat ka ba kasi nalalate?!"
"Late nga akong nagigising." Sagot ko sakanya. Halos araw araw nyang tinatanong kung bakit late ako lagi.
"Di ka naman late matulog ah?"
"Pano mo nalaman? Naghintay ako sa reply mo kagabi, ulol! Kaya late na 'ko nakatulog!" Inirapan ko sya.
"Sorry na by. Nakatulog ako agad pagkauwi ko galing court. Napagod ako sa basketball eh."
"Wow! Talagang wow. Wala ka nang time sakin these past few days ah?!"
"Wag ka ngang mag simula Yumi!" Sambit ni Kian na halatang naiinis na.
Sya pa talaga may ganang magalit no? Hayss. Ang galing. Sarap tirisin.
Napansin kong nakikinig ang mga katabi nya sa pag uusap namin.
Inatras na ulit ni Kian ang upuan nya at tumayo. Nagtungo sya sa labas ng room. Wala na si sir at hinihintay nalang namin ang susunod naming teacher.
"Yumi!"
Napalingon ako sa likod dahil sa pagtawag ni Greg.
"Oh, ano yun?" Tanong ko sakanya.
"May sasabihin kami sayo. Halika dito."
Umupo ako sa katabi nyang upuan. Ito ang pwesto ni Kian.
"Si Kian kasi.." Sabi nya nang may pag aalangan.
"Anong meron sa mokong na yun?" Tanong ko.
"Hindi sya umuwi agad after ng game namin eh." Pag amin ni Greg.
Nakita ko naman ang katabi nyang si Terrence na tumatango.
"Ha? Eh sabi nya nakatulog sya agad after mag basketball ah? Diba? Narinig nyo naman siguro yung paguusap namin."