- Yumi -
Bago umuwi ay kumain muna kami nila Greg, Anna, at Ria sa may labas ng school.
"Bakit wala si Kian?" Tanong ni Ria habang kumakain ng Kwek kwek.
"Nauna na sya eh." Sagot ko.
"Nakita ko si Debbie sa school kanina. Sinundo nya si Kian." -Greg
"Oo nga daw. Sabi din ni Earl. Hindi nga sya nag paalam sakin eh." I sighed.
"Bakit kaya? Hindi naman ganyan si Kian dati." Pag tataka ni Anna.
Ako din ay nag tataka sa mga kinikilos ni Kian. Ano ba kasing meron?
Simula ng dumating si Debbie naging ganyan na sya.
Si Debbie ay dati naming kaklase. Lumipat lang sya ng school dahil nag separate ang parents nila. May ate si Debbie na si Desiree. Siya naman ang nakatira sa bahay nila dito kasama ang tatay nya. Nag babakasyon lang si Debbie dito for 3 months.
Chineck ko ang phone ko habang kumakain ako ng siomai. Umaasang may text man lang si Kian ko. Pero wala. Hayy.
Nang makauwi na ako sa bahay namin, nag bihis na ako ng pambahay. Humiga sa kama at tinignan ulit ang phone ko. Wala pa din syang text.
Ibinaba ko ang phone ko sa bedside table. Ayokong unang magtext sakanya. Babae ako. Sya dapat nag fifirst move diba.
Nakatulog pala ako ng ilang oras. Pagkagising ko ay 9:47 pm na. Hindi pa ako nag didinner.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Buti nalang may tinirang ulam pa saakin.
Kumain ako ng madami. Grabe nagutom talaga ako. Hahaha.
Matapos kong kumain at mag toothbrush, bumalik na ako sa kwarto ko.
Naalala kong baka may homeworks kami kaya't kinuha ko ang phone ko para tumingin sa aking memos.
Nakita kong may 5 messages ako galing kay Kian.
From: myforever<3
7:16 pm : By, kauwi ko lang.7:30 pm : May homeworks ba?
8:25 pm : Sige wag kang mag reply Yumi.
9:01 pm : ano bang problema mo?
9:21 pm : You know what? Nevermind. Matutulog nalang ako. Goodnight!
Nagtype ako ng reply kay Kian.
To: myforever<3
Kian, kakagising ko lang. Nakatulog ako eh. Bat pala ang late mo na umuwi?After 20 mins. hindi pa din sya nag rereply. Baka nga tulog na.
Gumawa nalang ako ng homeworks namin. Matapos yon ay nag facebook nalang ako. Hindi kasi ako inaantok eh. Sa haba ba naman ng tulog ko.
*scroll*
*like*
*scroll*
*like*
*like*
Biglang lumabas na may message ako.
Binuksan ko ang messenger at nakitang nag message si Jeron.
Jeron Francisco: Bat gising ka pa Yumi?
Yumi Monteverde: Di ako inaantok eh. Haha.
Jeron Francisco: May pasok pa tayo bukas oy. Malalate ka na naman. Tama na kasi pag chachat kay Kian. Magkikita naman kayo mamaya eh.