Once upon a time, sa isang malaking palasyo, may isang prinsesang nagngangalang Elisa. May porselanang balat, malambot na buhok, mga magagarang damit, kumikintab na alahas at mala-anghel ang itsura. Kung tutuusin nasa kanya na ang lahat. Mayaman. Maganda. Mabait. Masayang pamilya. Ngunit para sa kanya may kulang pa rin. Ano ito?Pag-ibig.
Yan ang wala kay Prinsesa Elisa. Wala pang prinsipeng dumating sa buhay niya na makapagpapatibok ng kanyang puso. Hanggang sa---hep!
Enough!
Ano ba yan Elisa? Tama na nga ang pag-iisip na nabubuhay ka sa isang fairytale.
Duh! Prinsesa. Palasyo. Magagarang damit. Mayaman. Kumikintab na alahas. Seryoso ka ba?
Wala ka sa isang teleserye or movie para mag-isip isip ng ganyan.
Ito ang katotohanan..
May isang babaeng nagngangalang Elisa na nakatira sa isang maliit na bahay sa may Tondo. Bahay na kakasya ang limang tao.Si Elisa ay ang panganay sa tatlong magkakapatid. Isa siyang working student. Estudyante sa umaga. Labandera sa hapon. Tindera naman sa gabi. Hiwalay na ang mga magulang ni Elisa. Tanging ang inang si Aling Isa ang kasamang tumataguyod para sa kanilang pamilya.
Magkaibang-magkaiba diba?
Kung tutuisin may pagkakatulad naman sila. Isang katangi-tanging pagkakatulad. Ito ay ang pareho nilang hindi pa nararanasang umibig. Para kasi kay Elisa isa lang itong malaking hadlang. Kung uunahin pa niya ang kalandian, ano na lang daw mapapala niya dun? Saan sila pupuluting magpapamilya? Anong kakainin nila sa pang-araw araw. Diba?
"Be realistic." Yan ang motto ni Elisa.
Ayaw na ayaw niyang umaasa na balang araw ay magiging isang prinsesa din siya. Dahil sa totoong buhay walang prinse-prinsesa. Kumayod ka para mabuhay. Kung ipinanganak kang mahirap mamatay kang mahirap. Hindi din siya naniniwala sa mga love story na may isang mayamang lalaki na maiinlove sa isang mahirap na babaeng katulad niya. Face the reality ika nga nila. Sino ba namang lalaki ang magkakagusto sa isang babaeng tulad niya diba? Kaya hindi na siya umasa pa. Mas mabuti na lang daw pagtuunan na lang niya ng pansin ang pagtratrabaho para may makain sila sa pang-araw araw. Ang pag-ibig? Tsaka na yan.
Hahahahaha haba ba ng introduction? Wala kayong pake! Nakikibasa na lang kayo ng istorya ko eh. Basta yun na yun.
Ako si Elisa. Mahirap hindi mayaman. Isang working student at hindi prinsesa. Nakatira sa isang maliit na barong barong at hindi sa palasyo. In short...
Ako si Elisa isang simpleng babae..