"Pabili po!"
" Ano iyon Iha?" Lumabas ang isang matandang babae mula sa tindahan
"Limang piraso po nitong kendi na ito." Itinuro ko ang Mentos na kulay berde at iniabot ang limang piso sa kanya.
"Ito oh." Saka ko kinuha sa palad niya.
" Salamat po." Ngumiti ako at tumango lamang siya.
Naglakad ako patungo sa highschool na pinapasukan ko. Kada umaga, kasama na yata sa routine ko ang bumili ng kendi. Dahil sa medyo malayo-layo rin ang nilalakad ko, nag eenjoy ako sa pagnguya ng kendi. Medyo puyat ako ngayon, dahil kagabi may tinapos akong desisyon. Isang espesyal na desisyon...
"Alexa!" Narito na ako sa school at kinawayan ko siya. Siya si Alexa ang best friend ko.
"Shar, ikaw pala. Good morning!" Bati nya sa akin.
"Ah by the way, Alexa sasagutin ko na siya." Napa 'O' ang bibig niya sa sinabi ko. Nakakagulat nga naman dahil sasagutin ko na ang isang Aeign Aguas. Sikat,gwapo at basketball player ng school.
"Seriously?! Kyaaaah! Aabangan ko yan mamaya!" Nagtawanan lang kami at dumiretso sa classroom.
Wala pa gaanong tao dahil periodical exam at alas-siyete pa ang pasok. 6:20 pa lang at nandito na ako. Boring kasi sa bahay at naglalakad lamang ako dahil ayoko sumabay kela Daddy na 6:45 pa umaalis sa bahay. Mala-late lamang ako. At isa pa, espesyal and araw na ito. Si Alexa dumiretso sa building ng college upang puntahan si Jai, ang boyfriend niya.
Gulat ako noong pumunta si Nash sa classroom ko. Nakakatuwa dahil wala pa siyang alam na makukuha niya na ang 'Oo' ko. Dinalhan niya ako ng breakfast mula sa isang fast food chain. Tinabihan din niya ako at tinitigan ako. Naiilang ako! Hindi kasi ako sanay na may lalaking tumititig sakin ng closeup masyado!
" Pakabusog ka ha," sabi nya at tuma-tawa tawa. Inirapan ko siya.
"Naghanap pa ako ng open na fast food ng ganito kaaga! Kaya i-kiss mo ako!" Sinapak ko siya ng mahina sa braso.
"Duh? Mas okay kung ikaw na lang nagluto. Mas ma-appreciate ko. Tsk, effortless bruh~" patawa-tawa Kong sabi at nag pout ang mokong.
"Huh? Effortless dun? Alam mo bang isang oras ako nag biyahe makahanap lang ng open na fastfood. Pag kinasal tayo, tska kita ipagluluto ng kahit anong gusto mo. Ang tagal ko ng nanliligaw, hanggang ngayon wala pa ding 'Oo'." Nag sip ako sa hot Choco na dala niya. At tumingin sa kanya agad
"Ano ka ba. Nash, joke lang sobra-sobra na yun. Pinaramdam mo sakin na mahal at seryoso ka sakin. Wag ka magdrama please? Di kasi bagay! Hahaha."
"Tayo na kasi, please!!" Tumingin siya sakin at pinisil ang magkabilang pisngi ko.
"Maghintay ka lang!!" Sabi ko at kinurot ang I long niya.
"Okay baby," kumalabog ang puso ko sa 'baby' na iyon. Kinikilig ako!
"Punta ka mamaya sa Gym after class. Bawal ma-late. Bye baby." Stop that 'baby' please?! Nagkakanda-letche ang sistema ko e. May pakulo na naman siya mamaya sa gym, Don't worry Aeign ako den meron..
*
Buong period ng klase, di mapakali ang mga kaklase ko dahil sasagutin ko na daw si Nash. Mas excited pa sa akin. Binabantayan pa nila ang or as bago mag 4pm. Dahil baba ako na ako sa Gym(court) ng school.
"Guys! 4pm na! Whoooo" sigaw ng kaklase kong si Andrea.
Ayun nauna sila pumunta sa Gym. Magpapahuli ako. Grabe habang papunta ako sa Gym natanaw ko yung Naka heart shape na candles sa baba . Pumunta ako doon at my letter sa lapag kinuha ko. Naghuramentado ang puso ko sa tuwa, I am really fond of unique surprises.
BINABASA MO ANG
Effort (NashLene) One shot
FanfictionLove is something you cant predict whats going to happen next...