Masakit parin

2 0 0
                                    

*tenenenenen* nagring na yung phone ko dahil sa alarm

5:40am
Nagising ako at tulala, nagmuni muni.

"Papasok na ba ako? Pano kung makita ko sya? Pano kung makasalubong ko sya? Kaya ko na ba? Okay na ba ko? Hayyy.. Pero wala akong mapapala kung puro ako absent. 2nd week of school na kailangan ko na pumasok. *sigh.. Bahala na si batman" agad agad akong tumayo at kinuha yung towel ko na nakasabit sa likod ng pinto ko nang biglang nalaglag yung bracelet..

Couple bracelet namin ni Rica.. Naalala ko nanaman siya. At ang sakit sakit parin. Hindi ko na dinampot pa yung bracelet at dumiretso nako sa cr para maligo, at pagkatapos ay nagayos na ako para pumasok.

7:25am
Nasa 1st floor palang ako at 8th floor yung first class ko -_- ang daming nakaabang sa elevator. Tae malelate nako!! No choice ako kundi maghagdan kasi nakakahiya naman di na nga ako pumapasok tapos late pa ko sa first attend ko ng class. Edi tumatakbo ako pataas nang biglang..

*boogsh* nabangga ako.

"Aray put-" bigla akong napatigil kasi si Kaye pala yung nakabangga ko.

Si Kaye, close friend ni Rica.

Natulala ako, shet ang ganda na ni Kaye ngayon ah.

"Yan kasi nagmamadali eh!! Kaya nasasaktan eh!!" Biglang tawa si kaye

"Hahaha baliw sorry"

"Ang taba mo na ah! Kamusta kayo ni rica?" Sabay tawa ulit. Anak ng! Asar pa! Kaurat!

"Lul hahaha sige may klase nako babye" hindi ko na sya masyadong kinausap at pinagpatuloy ko yung mala amazing race na pagtakbo ko hanggang 8th floor. Wooh ang saya. -.-

Pumasok ako ng room at onti palang ang nasa room umupo ako sa bandang dulo katabi ng pintuan, halos hindi ko kakilala lahat ng mga kaclassmate ko since irreg ako. At wala pa din yung prof namin. Ano ba yaaaan nagmadali pa ko wala pa pala hayyyy

Aftef 3 mins..
Pumasok ang isang grupo ng mga estudyante kasama si Kaye

:O Nagulat ako at sya din.

"Uy kaklase kita?!" Gulat sya eh hahaha

"Bawal ba?" Pabiro kong sinabi sabay tawa

Nginitian nya ako tapos dumiretso na sya sa upuan nya na hindi kalayuan sa pwesto ko. Hangga't sa dumating na yung prof at naglecture..

(Fastforward)
8:50am
"Okay class dismissed" agad agad akong tumayo at lumabas ng classroom

Tinext ko si Anne, bestfriend kong hopeless romantic tulad ko hahahaha

- Best san ka? -

- Dto ako sa room bakit? -

- Tinatamad nako pumasok sa next class ko, shot tayo! -

- Sige puntahan moko dito CS building sa tapat -

Agad agad ko siyang pinuntahan dun, habang naglalakad ako nakita ko yung isa sa kaibigan ni Rica. Nagmadali akong maglakad kasi alam kong kasama nya si Rica at ayoko syang makita.

Mabuti nalang nakita ko agad si Best, hinila ko siya agad papunta dun sa tambayan namin palagi kasama iba naming tropa.

"Araay teka lang, wag mo ko hilahin best!" Sigaw nya na parang naiinis na sya sakin hahahaha

"Bilisan mo! Tara na" habang kinakaladkad sya at mabilis akong naglalakad

Hangga't sa nakarating na kami sa tambayan namin..

"Ano ba nangyare? Parang taeng tae kang uminom ha!!!" Urat na urat sya sakin eh hahahaha

"Wala baka kasi makita ko si Rica kaya hinila kita agad. Sorry na best" sabay yakap sa kanya at nilambing ko para d na maurat hahahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon