I thought...
Genre: High school/ Romance
Author: Lockness Sera (Khian_Ramirez@yahoo.com)
EPISODE 2
Location: Ramirez’s Residence (Leon’s House)
“I’m home!” sigaw ko pagpasok ko ng bahay pero walang sumagot.
Hindi ko na inintindi dahil ayaw ko ding makita ako nila mommy na ganito ang itsura ko. Pumasok nalang ako ng kwarto ko at humiga. I’ll never forget what happened earlier. I got a kiss as a prize from my sacrificial. Pero walang malisya. We’re friends. Di ko kayang masira yun dahil lang sa pagaassume ko. Ginawa ko yun dahil magkaibigan kami at hanggang doon nalang yun. Biglang pumasok si mommy sa kwarto ko…..
“Leon, nakita mo ba yung….. geez anong nangyari sayo anak?” tanong ni mommy ng may pagkagulat.
“Po? Wala po mom, napagtripan lang po.” Sagot ko.
“Sino nangtrip sayo?” tanong ni mommy.
“Hindi ko po kilala.” Sagot ko.
“Sino ba kasama mo noong nangyari yan anak?” tanong ni mommy.
Napatahimik ako bigla. Inisip ko na kung sasabihin ko kung sino ang kasama ko kanina, pupuntahan niya si Ashley at kakausapin. Pagkatapos non, hindi na ako kakausapin ni Ashley. Lalayuan niya na ako. Sinagot ko ang tanong ni mommy…..
“Wala po. Mag-isa po akong umuwi kanina.”
“Sure ka ba anak?” tanong ni mommy.
“O-opo.” Sagot ko.
“Mukhang malinis na yung sugat mo ah! Nilinisan mo ba yan anak?” tanong ni mommy.
“O-opo.” sagot ko.
“Buti naman anak. Magpahinga ka na diyan ha? Ihanda ko lang ang merienda natin.” Sabi ni mommy.
“Sige po.” Sagot ko.
Lumabas na si mommy sa kwarto ko at inihanda na ang merienda namin. Maya-maya, tinawag na ako ni mommy para sa merienda namin. Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta na kami sa sala. Doon na ni mommy napag-isipan kumain dahil may papanoorin pa siyang palabas sa TV. Kinausap ako ni mommy….
“Kumain ka na anak.”
“Opo.” Sagot ko.
“Alam kong nagsisinungaling ka lang anak kanina tungkol sa nangyari sayo. Napansin ko, parang ang tamlay mo kausap kanina kaya naisipan ko nalang na lumabas ng kwarto mo at ayain ka magmerienda.” Sabi ni mommy.
“Po? Ano pong ibig nyong sabihin?” tanong ko.
“Sino kasama mo kanina noong nangyari sayo yan.” Tanong ni mommy.
Napansin kong hindi sinagot ni mommy yung tanong ko. Hindi ako nagresponse sa tanong niya.
“Anak, bakit di ka makasagot?” tanong ni mommy ng mahinahon.
“Si Ashley po.” Sagot ko.
“Sinong Ashley?” tanong niya.
“Yung classmate ko po. Galing po kaming school noong nangyari yun. Balak po nilang pagtripan si Ashley kaya pinatakbo ko siya at ako ang humarap sa mga bumugbog sakin kanina. Wala akong nagawa dahil tatlo sila, isa lang ako. Buti nakita ako ni Ashley na ganoon ang lagay ko. Tumawag po siya ng tulong at dumating yung mga tanod. Tumakbo yung mga bumugbog sakin.” Kwento ko.
