I thought...
Genre: High school/ Romance
Author: Lockness Sera (Khian_Ramirez@yahoo.com)
EPISODE 3
Location: Ramirez’s Residence (Leon’s House) – Sheline High School
Pinaandar ko na ang kotse at saka umalis. Di ko akalain na makukuha ko siya agad as besfriends. At siya pa ang naginvite sakin. Marami nangyari ngayong araw. Akala ko wala na akong pag-asang magkakalapit pa kami ni Ashley. Akala ko lang pala yun. Nakauwi na ako nang sinalubong ako ni mommy sa labas. Kanina pa pala siya naghihintay doon. Pinark ko ang kotse sa garahe at saka lumabas. Kinausap ako ni mommy…..
“Leon! Hay… thank god! Walang nangyari sa’yo.” Sabi ni mommy.
“Ma, don’t worry. Mag-iingat na po ako.” Sabi ko.
“Dapat lang anak. Dahil kanina, alalang-alala ako sayo.” Sabi ni mommy.
Hindi na ako nakapagresponse.
“Pumasok na tayo at nang makatulog na.” sabi ni mommy.
“Opo, Ma.” Sabi ko.
Pumasok na kami ng bahay.
“Goodnight,Anak” sabi ni mommy.
“Goodnight din po.” Sagot ko.
Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko. Agad akong humiga at natulog dahil sa mga nangyari ngayong araw. Maya-maya, hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala.
Kinabukasan, ginigising na ako ni mommy….
“Anak, gising na. Maaga pasok mo di’ba?” tanong ni mommy.
“Opo. Anong oras na po ba?” sagot ko ng patanong.
“6:30am na anak! Anong oras ba pasok mo?” tanong ni mommy.
“Hala! 7am po pasok ko. Magmamadali na po ako!” sagot ko.
Lumabas agad ako ng kwarto at saka naligo, inayos ang sarili. Sa school ko nalang binalak na magbreakfast dahil kung sa bahay, baka abutin ako. Kinuha ko kay mommy yung susi at saka pinaandar yung kotse. Nakarating ako ng school ng 5 minutes late. Pagkapunta ko sa room namin, kumpleto na silang lahat. Mga classmates ko at ang adviser namin. Siguro ngayong school year ang pinakamalas para sakin. Dahil sa dami ba naman ng unang magtuturo samin, yung adviser pa. Alam na alam kung absent or late ang student or even sinong nag cut ng class niya. Pero buti nalang, mabait si ma’am. Siya si Ma’am Servie. Siya ang teacher namin sa English. Biglang nagsalita si ma’am.
“Leon Ramirez, right?” tanong ni ma’am.
“Yes po.” Sagot ko.
“You can come in now. Next time, I don’t want my students to come late in my time. Understand?” sabi ni ma’am
“Yes, ma’am.” Sagot ko.
Pumasok na ako ng kwarto then, naghanap ng mauupuan. Bigla akong tinawag ni Ashley…..
“Leon! Dito ka sa tabi ko.” Sabi ni Ashley.
“Sige.” Sagot ko.
Medyo nagblush nanaman ako noong time na yun pero hindi ko pinahalata. Maya-maya, nagstart na si ma’am sa pagtuturo. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ni ma’am, bigla akong kinausap ni Ashley.
