Prologue :)

353 4 0
                                    

..........

Character #1: May mahal ka pero pag-aari na sya ng iba at ng bestfriend mo pa.. Susuko ka na ba at maging masaya na lang para sa kanilang dalawa ? What if biglang eeksena si Ex ? What if may biglang eeksena na hot girl at patay na patay sa'yo ? What if biglang aappear ang mga hot ladies na fans mo pala ? Naku ! Aayaw ka pa ba ? Eh paano kung napapansin mong nagseselos ang mahal mo tuwing may kasama kang iba ? Dapat ka bang mag-assume na may pagtingin din sya sa'yo kahit na alam mong mahal na mahal nya ang bestfriend mo na girlfriend nya ? O tigilan mo na ang umasa na mamahalin ka pa nya ? Ile-let go mo na ba ang pinakamamahal mo dahil alam mong wala ka nang pag-asa ? O susundin mo pa rin ang tibok ng puso mo ?

Character #2: Mahal na mahal mo sya ? Pero ayaw mong mawala ang taong pinapahalagahan at minamahal ka higit pa sa buhay nya.. Nakakaramdam ka ng inis kapag may kasama syang iba.. Naiinis ka lang ba dahil mayabang sya o nagseselos ka lang talaga dahil hindi na ikaw ang binibigyan nya ng pansin ? Dapat ba maging desperada ka ? Ano ba ang dapat pipiliin mo ? Isip o puso ? Sino ba ang karapat dapat na piliin ? Mahal mo o mahal ka ?

Character #3: Alam mong minamahal ng bestfriend mo ang mahal mo ? Pero pareho silang mahalaga sa'yo... Ayaw mong may masasaktan sa kanilang dalawa.. Ano ba ang dapat gawin ? Palayain ang minamahal mo para lang sa friendship nyo ng bestfriend mo ? O susundin mo pa rin ang sinisigaw ng iyong puso ?

Character #4: May mahal ka at ang mahal mo may mahal ding iba pero ang mahal ng mahal mo ay may ka-relasyon na.. At ang girlfriend ng mahal nya ay ang bestfriend mo pa.. At tuwing magkasama sila, napapansin mong nasasaktan ang mahal mo ? Dapat bang tulungan mo ang mahal mo na kalimutan ang mahal nya at sabihan na humanap nalang ng ibang mamahalin ? O hayaan na lang syang mahalin ang mahal nya dahil alam mong mahirap maka-move on ang katulad nya ? Hahayaan mo na lang ba sya ?

Character #5: Mahal na mahal mo sya pero nagpakatanga ka ! Ngayon may iba na syang mahal, handa ka na bang kalimutan ang lahat ng pinagsamahan nyo ? O alam mong may natitira pa siyang pagmamahal para sa'yo kaya gagawin mo ang lahat para makuha ulit sya ? Dapat ka ba maging selfish ? O susuko ka na dahil hindi nya na kayang suklian ang pagmamahal mo ?

Character #6: Ikaw ang nilalapitan niya kapag may problema sya.. Kumbaga ginawa kang panakip butas.. Ano ba dapat ang maramdaman mo ? Masasaktan dahil yun lang tingin nya sa iyo, isang rebound ? O masaya ka na sa posisyon mo sa buhay nya dahil napapasaya mo sya ?

Character #7: Siya ang inspirasyon mo sa pagsali sa pinapangarap mong Team.. Ngayon, nakamit mo na ang pinapangarap mo ? Pero napansin mong iba pala sya sa inaakala mo.. Handa ka bang tulungan siya kahit hindi ka pa handa sa problemang inyong haharapin ? Gagawin mo ba ito para sa ikakasaya nya ? Gusto mo bang bumalik sya sa dating sya ? Eh ano ba ang dapat mong gawin ?

Heart over Mind..❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon