1st

23.9K 600 78
                                    

Cein's POV

Annyeonghaseyo, Cein Ysabelle Choi imnida, Cein is pronounced as Seyn so yun. Kasalukuyan kaming nasa mall ng kaibigan kong si Irene.

" OMG talaga girl, hanggang ngayon hindi talaga ako makapaniwala na may nangyari sa inyo ni Park Jimin "- Kinikilig na sabi nya sabay kapit sa braso ko, sinamaan ko naman sya ng tingin.

" Manahimik ka nga ! "- Pasigaw na bulong ko sa kanya, nag peace sign naman sya sakin.

" Halos isa't kalahating buwan na nung mangyari yun hindi ka parin maka move on ? Tss samantalang ako nga pinipilit kong kalimutan yun eh "- Sabi ko sa kanya

" Duh, hindi ka ba masaya ?! Hello ! Park Jimin na yun ! "- Sabi pa nya, dumidipa-dipa pa si gaga.

" So ? Hindi sya si Kim Myungsoo kaya hindi ako masaya "- Mataray na sabi ko, pero biro lang yun. Kahit na si Kim Myungsoo man sya hindi padin ako masaya.

" Sus, kung ako yan ? Nakooo "- Kinikilig na sabi nya, sinamaan ko naman sya ng tingin.

" Tss, kahit na si Kim Myungsoo pa sya hindi parin ako masaya, ano ka ba ? Kaunti nalang ang babaeng virgin ! At alam mo naman na pinapahalagahan ko yun diba ? Para yun sa mapapangasawa ko. Yun lang ang pwede kong mabigay sa kanya bukod sa love ko para sa kanya. Tsaka ang kadiri mo ! Incest ganun ?! "- Frustrated na sabi ko. Ganyan ko kamahal ang virginity ko. Pano na yung mapapangasawa ko ?

" Oo na, ikaw na "- Sabi nya sabay irap.

" Damn ang bango "- Sabi ko sabay sunod sa amoy.

" Ha ? "- Nagtataka syang sumunod sakin. Napa hinto ako kung nasaan yung amoy. Sa Starbucks.

" Starbucks ? Really Cein ? Diba ayaw mo sa amoy ng kape ? "- Takang tanong nya nang pumasok ako sa loob, hindi ko din alam sa sarili ko.

Ayaw na ayaw ko sa amoy ng kape, kaya pag pumupunta kami sa Starbucks lagi kaming nasa labas, at noon gustong gusto ko yung pabangong bench na strawberry pero ngayon ayaw na ayaw ko na. Noon ayaw ko sa cheesecake pero ngayon bat ito yung inorder ko ?!

" Nagtataka na ko sayo Cein ah "- Sabi nya sabay upo.

" Tss, walang permanente sa mundo lahat nagbabago "- Sagot ko sa kanya sabay irap.

" Onti nalang talaga iisipin kong buntis ka "- sabi nya sabay inom sa frappe nya, muntik ko namang mabuga yung kinakain ko dahil sa sinabi nya.

" Okay ka lang ? "- Nag aalalang tanong nya, uminom naman agad ako sa frappe ko.

" Ikaw kase ! Kung anu-ano sinasabi mo ! "- Galit na sabi ko sa kanya.

" Sorry naman. Ehh nakakapagtaka kase yung mga kinikilos mo "- Napa buntong hininga nalang ako sa sinabi nya.

Hindi ko din maiwasan na kabahan sa fact na baka nga buntis ako, kase kaninang umaga nasuka ako kahit wala namang dahilan.

" Tara na "- Yaya ko sa kanya, nawalan na ko ng gana bigla eh.

" Hindi mo uubusin to ? "- Takang tanong nya, tumango lang ako.

" Himala ah. Isang Cein Ysabelle Choi ? Hindi uubusin yung pagkain ? Unbelievable ! Kung ayaw mo na, akin nalang "- Sabi nya sabay kain ng cheesecake ko. Napahalumbaba naman ako.

Hindi ko mapigilang mag-isip. Paano nga kaya kung buntis ako ? Awtomatiko naman akong napahawak sa tyan ko at hinimas ito.

" Masakit tyan mo ? "- Tanong sakin ni Irene habang may cheesecake sa bibig, sinamaan ko naman sya ng tingin.

" Hindi ! Makati lang, ubusin mo na yan "- Iritang sabi ko. Inirapan naman nya ako.

Paano ko kaya sasabihin kila eomma at appa kung sakali ngang buntis ako ? Sira ang image ng family namin kung magkataon. Masisira si eomma sa fashion industry, masisira si appa sa business industry ng dahil sakin. At mas lalong masisira ako. Paano na ang pagmomodel ko ?

" Done na~ "- Sabi ni Irene sabay tayo. Tumayo na din ako, napahawak ako sa lamesa, parang biglang umikot yung paligid ko.

" Okay ka lang ? "- Lumapit naman agad sakin si Irene at inalalayan ako. Halos lahat na din ng tao sa loob ng Starbucks ay nakatingin sakin.

Hindi pa ko nakakasagot kay Irene eh nanlabo na ang paningin ko ang everything turned black, as my visions get blurred, kinakabahan ako. Don't tell me....

Carrying Park Jimin's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon