Pangdalawampu't apat na Hagood
Scarlett's words
Julio's POV
Tulala at hindi pa rin ako makapagsalita pagkatapos ng nangyari. Bakit hinuli ng pulis ang pare ko? Hindi ako naniniwalang sa sinabi nilang, nanggahasa si Brett! Hindi niya iyon magagawa.
"Kuya Julio..." Narinig kong usal ni Ruby na nasa aking harapan. "Gusto mo po bang umupo muna tayo?" Tumango ako at inalalayan ako nito paupo sa bangko.
"Manyak naman pala 'yong lalaki." Narinig kong sabi ng babaeng lumapit sa akin kanina. Gusto ko man silang komprontahin, naisip ko, baka mapahiya lang ako kapag ginawa ko iyon. Subalit, hindi rin tamang magsalita sila ng hindi maganda sa pare ko. Nasasaktan ako!
"Ho-" kakausapin ko na sana 'yong mga babae nang biglang dumating ang girlfriend ko. Bitbit ang paborito naming kainin tuwing magpupunta kami sa mga mall.
"What happen babe?" bungad na tanong nito sa akin.
"Hi ate Scarlett!" sabay beso ni Ruby sa girlfriend ko.
"Nothing babe," singit kong sabi pagkatapos magkabatian ng dalawa. "Uwi na tayo?" pagyayaya ko sa kanya.
Tinaasan ako ng kilay ng girlfriend ko. "Nothing? Tapos nagyayaya kang umuwi?" mataray na wika ni Scarlett sa akin.
Tumayo ako at niyakap siya, "Babe, hinuli ng pulis ang kaibigan ko. Sa kadahilanang nanggahasa raw siya." Maiyak-iyak kong sambit.
Nakita kong iniabot ng girlfriend ko ang dalawang shawarma sa pinsan ko at sinuklian nito ang yakap na ginawa ko. Hinaplos niya ang likod at ulo ko.
"Babe, kaibigan mo siya. At ikaw ang lubos na nakakakilala sa kanya," sabay alis nito ng yakap ko at hinawakan niya ang aking mukha. "Kung ginawa man niya iyon, dapat siyang parusahan. Ngunit, kung walang ebidensya at hinuli na lang siya nang basta. Dapat siyang pakawalan at makalaya." Wika nito.
Lalo akong naiyak sa mga binitiwang salita ni Scarlett sa akin. Para siyang ina na handang damayan ang anak kapag ito ay nasasaktan. Kaya kahit anong sakit ang ibinibigay niya sa akin, napapawi iyon ng mga salitang nakakapanghilom ng sugat sa aking damdamin.
"Samahan mo ako babe. Sundan natin iyong mga pulis," may kutob kasi ako na baka saktan ng mga pulis ang pare ko. Kitang-kita ko kasi sa mata ng isang lalaki ang galit. At nakita ko rin ang kamao nitong nagngangalit.
Sumang-ayon ang girlfriend ko at bago kami umalis sa food court. Pinaayos muna nito ang itsura ko. Naghulas na kasi ang polbo na nilagay ko dahil sa dami ng luha na umagos sa aking mga mata.
"Okay ka na babe? Dahil kung okay ka na, sumunod na tayo." Nakangiting sambit ng girlfriend ko sa akin. Ang galing niya talagang magpakalma ng damdamin. Para siyang - mommy ko na walang ibang ginawa kungdi ang intindihin ang katigasan ng ulo ko.
"Umiiyak ka na naman? Sayang ang foundation na nilagay ko sa mukha mo, babe," seryoso ngunit natatawang wika ni Scarlett habang pinupunasan ang mga luhang bigla na lang tumulo.
"Naalala ko kasi si mommy." Sambit ko.
Niyakap akong muli ni Scarlett. At doon, hindi ko na napigilan ang mga luha ko na muling umagos ng walang humpay.
"Ngayon lang ulit kitang nakitang umiyak ng ganyan, Julio. Alam ko, halohalo na ang sakit na nararamdaman mo ngayon sa puso mo. At alam kong, isa ako sa dahilan kung bakit ka laging malungkot," humigpit ang yakap nito sa akin. "Kaya kanina? No'ng makita ko ang kaibigan mo, napangiti ako. Kasi bigla kang napangiti nang makita mo siya. May kung ano mang kumurot sa puso ko, napansin kong, sumaya ka dahil sa kanya."
Napakalas ako nang yakap sa girlfriend ko. At nagpunas ako ng luha. "Ako? Napangiti? Hello? Naalala ko lang talaga si mommy," ngunit sa loob-loob ko. Napangiti nga ako nang makita si Brett kanina. Subalit, kailangan ko iyong i-deny sa harap ng girlfriend ko.
"Sabi mo eh!" Nang-aasar na wika ni Scarlett - sabay alis ng sombrero kong suot. "Pahiram muna, mainit kasi sa labas." Natatawang wika nito at nagsimula na siyang maglakad. Iwanan ba raw ako.
"Kuya Julio, uuwi na po kami," binigyan ko ng pamasahe ang pinsan ko at sa kanilang pag-alis. Bumuntong hininga muna ako bago tumayo sa kinauupuan ko.
At sa simula ng aking paglalakad, biglang nag-ring ang cellphone ng pare ko na nakalimutang kong ibigay sa kanya.
---
NOM's note: Nasaan ang HUMOR, NOM? Bakit drama itong nababasa namin? HAHAHAHAHA!
---
Time Published: 4:35pm
BINABASA MO ANG
HAGOOD!
NouvellesThis story is part of NABITIN AKO! Left side story *insert devil laughs* @NoOtherMan All rights reserved 2015