“♫ ♪ Rebound mo lang pala ako.”
“Jem? Okay ka lang?”
“Ha? Ahh. Oo naman ‘no!”, sagot ko. “Mukha bang hindi?”
“OO!”, tumingin naman ako sa kanya. “1 2 3, boom!”, biglang may tumulo sa mukha ko. Hala! O_O “See? You’re not fine.”, pinunasan naman nya yung pisngi ko.
Tumingala ako, pero walang ulan. At isa pa, walang bubong yung inuupuan namin. Gosh! What was my tear for?! Dun ba sa kanta? Tsk. Rebound!
“Anong problema Jem?”, I shook my head. Liar! Meron Jemimah! -____-
“Sige Blake! Una na ko ha? Pupunta pa kong library ehh.”, tapos tumakbo na ko.
Actually, hindi naman talaga ehh. Gusto ko lang umalis. Ang daming time na pwedeng maiyak ako, sa harap pa talaga ni Blake. Tsk. Kainis! >___<
Badtrip kasi yung kanta ehh! >____< Rebound. Tsk. Nakakainis!
Diba, kapag nasaktan ang isang tao sa mahal nya tapos sa’yo nya binibigay yung atensyon nya, rebound lang tawag dun? Kumbaga, band aid. Panakip butas. At, ayoko maging ganun! Ayoko ng ganun Blake!
“Oh, hi Jem!”, ang plastic mo Diane! “Nakita mo si Blake?”, I shook my head tapos nilagpasan ko na sya.
Wala kong balak kausapin yung babaeng yun! Sampalin ko sya kapag ako nainis ehh! >___< e sya kaya yung reason kung bakit nasasaktan si Blake! At pwede ba?! Huwag mo na syang hanapin at kausapin?! Kasi nasasaktan sya! At pati ako nasasaktan!
Ewan! Wala akong gusto kay Blake ‘no! :P actually, bagong magkakilala lang kami. Mga 3 months.
Mga new students kasi kami, since college. Tas ayun! Ewan! Nakakatawa nga ehh. Nung nag-exam, nagkasabay kami, Nung nag-enroll rin, nagkasabay kami. Tapos nung first day ng klase dati, nagkasabay rin kami. Tapos ayun! Simula nun, naging magkaibigan na kami. And to shock, magkapitbahay lang kami. -___- sila pala yung bagong lipat 5 months ago sa’min.
At ayun, dahil nga malapit lang kami sa isa’t isa, lagi kaming magkasama. Magkausap, mga ganun. Hanggang sa ayun! Kinuwento nya sa’kin si Diane. Ang first love nya. Grabe kaya! Halos dalawang taon nyang niligiwan tapos malalaman nya na lang, may boyfriend na. Wow! Ginawa nyang reserba si Blake.
Tapos ngayon, ang nangyayari, ayaw mawala ni Diane si Blake sa buhay nya. Sa isip isip ko lang, sino bang gumawa ng way para umalis si Blake sa buhay nya? Tsk. Nakakalokong babae. >____<
At dahil nga ako ang pinaka-close nya, as far as I know, sa akin nya ino-open yun. At ako naman, supportive ehh. I tried a lot of advices, yung iba effective. Yung iba, hindi. Pero unti-unti, nakakalimot naman si Blake.
Basta pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makalimutan ni Blake si Diane. Ewan ko ba’t ko ginawa yun, pero basta! Pinangako ko yun! Pero, ang totoo, ayoko na! Gusto ko ng lumayo. Iwasan si Blake. Actually, I tried, pero wala ehh. Hindi kaya!
![](https://img.wattpad.com/cover/5915141-288-k624245.jpg)