Prologue

6 0 0
                                    

PROLOGUE

WHO MEETS WITH WHOM

"HAAAA??!! ANONG SABI MO????"

rinig na rinig ang sigaw ni janna sa buong hallway ng 4th floor ng College Building. si JANNA JIEM, a.k.a. ang pinakamalas na babae sa buong college students.. hindi naman sa buong universe. kahit papano mas malas pa sa kanya yung mga batang ipinanganak sa squatter's area o kaya naman yun mga taong binebenta. pero minsan mas malas sya sa mga nabanggit kanina lang.

"sorry..."

"HINDI. bago yun."

"ahh~ yung nahulog ko ung camera mula second floor tapos nasira yung memory card?"

"HAAAA??!!"

siya naman si JOSETTE RUBIA. ang babaeng buong buhay nangangarap ng true love kahit takot pumasok sa isang relasyon. No Boyfriend Since Birth. maraming gustong manligaw sa kanya, pero sya itong ayaw. bakit...? dahil sa karanasan ni Janna sa first boyfriend nya. natakot e, tsaka may hinihintay rin naman kasi sya. si "mr. dream boy".

"naku. patay tayo jan. ang malas mo talaga kahit kelan jaji-yah.."

si KEVIN WOO. ang may lihim na pagtingin kay Josette. yun nga lang, hanggang lihim nalang talaga. alam naman kasi nya na wala syang pag-asa sa kanya. lalo pa't alam nyang baliw si josette para kay KISEOP.

"HAHA. pano ba yan.. mukhang mauuna na ako sa'yo papuntang Korea? hmm.. see you there! kung... makapunta ka. ;)"

si LEE KISEOP. ang mr. dream boy ni Josette, na number 1 rival naman ni Janna at karibal ni Kevin sa puso ni Josette. gulo no? maraming nagkakagusto jan. gwapo, magaling sa acting, kanta, at sayaw. ano pa nga ba hahanapin mo? yun nga lang tahimik siya sa iba. kay Janna lang talaga sya maingay, na para bang si Janna lang kalaban niya. puro hamon ang labas ng bibig nyan e.

"tsktsk, mukhang magpapasalamat pa ata sayo si Kiseop, Jo," bulong ni Kevin kay Josette pagka-alis ni Kiseop sa loob ng classroom.

"hehe..." ngiting ngiti naman si Josette sa sinabi ni Kevin pero nawala rin agad nang makita nya mukha ni Janna... parang nabagsakan ng bulalakaw.

"unni~ .... sorry naaaa~ hindi ko sinasadya. :("

"ayos lang.. wala na akong magagawa e." pilit ang ngiti ni Janna sabay ng pagbuntong hininga.

"bakit kaya ganun no? nung KPOP Starhunt Season 1 late na pala nung nagpasa ka kaya hindi na tinanggap pa yung entry mo. tapos nung season 2 naman, hindi mo man lang nalaman na may season 2 na pala. tapos ngayong season 3--"

"kailangan pa ba talagang ipamukha sakin kung gaano ako kamalas, ha kebin wu?!" - janna

"may nakalimutan ka e.. nung season 2 hindi nya alam kasi busy sya sa palalabs nya." - josette

"ahy oo nga! hmm.. tapos hindi man lang humingi ng sorry yung lalaki pagkatapos mangyari yun.." - kevin

"guys.. andito ako.. >:(" - janna

"ahy.. anjan ka pala.. hehe." - kevin. binatukan naman ni janna si kevin.

"hindi talaga kahit kelan bagay sayo ang painosente effect. haha!" - josette kay kevin. "akala ko ba unni nakamove on ka na sa walang kwentang taong yun?"

"may sinabi ba akong hindi?" -janna

"e bakit kelangan mong magalit sakin??? T-T" - kevin

"may sinabi rin ba akong galit ako sa'yo?" - janna

"sabi ko nga wala. XD" 

"tss.. hmf. ikaw manlilibre ng lunch ngayon. tara. tara!" -janna

"H-HAAAAA???? BAKIT AKO???" kevin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KISS ME if you can!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon