Magpakatanga O Magpakamanhid??

5 0 0
                                    

"Love Is Blind' Ika ng nakararami.Ang katagang ito ang siyang bumubuhay sa aking diwa upang mahalin siya ng buong katapatan at walang halong pag iimbot.Hindi mawari sa aking isipan ang isang katanungang na sa tamang panahon ko lamang mauunawaan at masasagutan ng walang pag aalinlangan.Ang katanungang hindi mo rin lubusang mauunawaan na tanging kapalaran lamang ang magdidikta at nakaaalam.Ngunit malaki ang porsyento ng aking paktitiwala na balang araw masisilayan ko rin ang taong inilaan sa akin na hindi ako paaasahin lamang.
Sa totoo lang hindi ko nais na umibig muli at buksan sa pangalawang pagkakataon ang aking puso sapagkat naranasan ko nang masaktan at paasahin lamang.Tuwing sasapit ang kadiliman patak ng aking luluha ang siyang sasalubong sa buong magdamag.Ang kanyang ngiti na walang batid ng huwad ngunit ito palay hindi nakalaan para sa akin.Gusto kong magalit sa aking sarili bagamat ang siyang katotohanan ang mananalaytay gaano ko man ito itanggi sa lahat.Sino ba naman ako para mahalin ang tulad nya?sino ba naman ako para abutin ang kanyang katayugan?At Sino ba naman ako para ibigin ang tulad nya na suntok sa buwan ang kasagutan?
Tao lamang po ako na hindi maiiwasan ang ma Fall ngunit sino kaya, ng gagawin ang lahat para lamang masalo ako?Yan ang katanungang hindi ko mailalahad ang kasagutan sa ngayon.Ang katanungang 50% ang nagtatalo.Maaaring wala at maaaring mayroon.Sana sa pagkalugmok ko sa lupa ay may taong nakahandang saluhin ako dahil kung wala ang puso koy magdurugo at unti unting mabibiyak hanggang sa permanenteng mahati ito at hindi na maibabalik sa dating kaayusan.
Tanga daw bang magmahal ng labis at sobra ngunit mas tanga ang taong minahal ng sobra na naghanap pa ng iba.Mas pipiliin kong maging tanga huwag lamang maging duwag at maging manhid para sa aking nadarama....


Cinderella's Stupid dream..Where stories live. Discover now