Sales lady ng mga pirated...

6 0 0
                                    

May pagkamahiyain din ako pag dating sa love dahil natatakot akong negative ang maging reaction nya sa aking ibubulgar with him.Si christian James or in short CJ ang gusto ko sanang maging Boyfriend. Napaka assuming ko yata para asamin ang napakataas na bagay.Hindi yata kami bagay dahil tao kamiiii..ahahahahaha....Masasabi kong para kaming pnaghalong imported na Chocolate at tag-pipisong candy kay aling Bebang.Eto na yata ang pinaka impossible wish ko upon a star..Libre lang ang mangarap yun lamang hindi lahat ng libre may kabutihang naidudulot at kung aasa ka lang sa mga tala sa kalangitan sa bandang huli ikaw din ang masasaktan at samahan mo narin ng pagsisisisi...

Alam ko namang hindi nya ako magugustuhan dahil na rin sa layo ng agwat namin sa isay-isa.Kung siyay may mala-prinsipe na pamumuhay ako naman mala Cinderellang tumakas sa Fairy tale para pumunta sa ralidad.

At dito sa mundo isa lamang akong hamak na tindera ng mga Pirated CD na tatakbo ng napakabilis kapag nandyan na ang mga kalaban o '"Pulis".Isang tsinelas na naman ang mawawala sa akin tuwing mag-aalsabalutan palayo sa mga armado.Aasang maibabalik ang aking munting tsinelas na tila naghahanap ng Prince charming na dadalhin ako sa kanyang mala dyamanteng palasyo.Masakit nga kasing maging assuming.kaya huwag kang lubusang umasa ah,lagot ka!!!


Cinderella's Stupid dream..Onde histórias criam vida. Descubra agora