Matapos naming magpalipas ng oras sa cafeteria. Oras na para pumasok sa isang nakakaantok na klase. Habang nilalakad ko ang pasilyo patungo sa room namin nahagip ng mata ko si Zeus. Nag-iisa at tila may iniisip.
Hindi ko sya pinansin. Dinaanan ko lang sya na parang hangin. Naka-ilang hakbang pa lamang ako palayo sa kanya'y naramdaman ko ang isang malamig na kamay ang humawak sa aking braso. Si Zues. Nagtatakang tiningnan ko sya.
"Oh! Zeus bakit?" Tanong ko dito.
"Napansin ko lang kanina ka pa gumagala ng mag-isa eh. Hatid na kita?" Aya nito.
Puso ko stay still.
hindi kami nagkikibuan habang nilalakad namin ang pasilyo papunta sa room ko . ilang dipa lang ang layo nya sa akin. Medyo malayo pa ang lalakarin namin dahil nasa dulo ang room ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanlalamig ang mga kamay ko. Kita sa sulok ng aking mga mata kung gaano sya kaperpekto. Mula sa mapupungay nyang mga mata, sa pagka-tangos-tangos na ilong nyo, at sa labi nyang parang kay sarap halikan. Ang bango nya pa rin maski na pinagpapawisan sya.
JuiceColored. Bakit ganun? Maski na hindi kami naguusap komportable pa rin ako sa kanya.