Simula

14 0 0
                                    

Tanaw ko mula dito sa aking pwesto kung paano yapusin ni Zeus si Athena. Tila napansin ni Zeus na may nakamatyag na mata sa kanila kung kaya't sya'y napatingin sa aking gawi. mabilis kong iniwas ang aking mga mata.
Ramdam ko titig nya. Natatakot akong tingnan sya sa mata. Ayokong makita ang mga asul na matang iyon. Mas lalo lang akong nahuhulog. Mabilis. Lagapak. Nagsisi ako kung bakit ko pa sya tinitigan sa mata noong una ko syang makita. Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Naalala ko pa ang sinabi ng aking guro noong ako ay nasa hayskul pa lamang.
"Wag mong titigan sa mata...para hindi ka mahulog. Dahil sa oras na tinitigan mo sa mata iyan. Makikita mo lang ay ang pagiging perpekto nya."

Kung sanang nakinig lang ako noon sa sinabi ng aking guro edi sana wala ako sa kumplikadong sitwasyon na ito.

Nagising ako sa mahabang pagmumuni-muni nang may humawak sa batok ko at sumigaw ng pagkakalakas-lakas at tila nabulahaw yata lahat ng ibong nakatira sa punong sinisilungan ko.

"Huli ka! Andito ka na naman sa usual spot mo. Talagang kinarir mo ang pagiging martyr ah. Pero fren infairness ang ganda nga ng view mo dito talagang kitang-kita ang paglalandian nila mula dito. Sabagay maski saan naman makikita mo ang mga yan na naglalandi-" sigaw ni Nicole

"Aish. Ano ba! Alam mo na namang may kiliti ako dyan. Tsk. Tsaka hindi ko sila tinitigan no. Nagpapahangin lang ako paano ba naman nararamdaman ko kasi na may masamang hangin na darating kaya umiiwas lang ako pero wala natunton pa rin ako eh. Pfff." Natatawang saad ko.

Tumabi sa akin si Nicole. Bale parehas na kaming naka-indian seat ngayon.

"Huh? Sino yun fren?" Nagtatakang tanong ni Nicole

Isa yan sa mga katangian ni Nicole, ang naging dahilan kung bakit kami naging magkaibigan. Paano ba naman nangyari na ang dapat nangyari pero nagl-loading pa rin sya. Slow nya talaga. Kaya natatawa na lang ako habang nakatulala sya at iniisip ang sagot sa katangahan nya.
"Sino naman kaya yun? Kami lang naman dalawa dito." Bulong nito

Sya ang stress reliever ko. Maski na ganyan naman nyan mahal na mahal ko yan. Kung tutuusin halos perpekto na tong kaibigan ko, maganda, matalino, maputi, mabait, pero slow nga lang.

"Ang sama mo talaga! Ang bango ko kaya!" Sigaw nito sa kin.

Ngayon lang nya narealized na sya yun. Naku. Maloloka ako kung p-problemahin ko pa sya.

"Tara na nga. Mamaya mabangasan pa kita" aya ko dito.

"Wag muna. Kakarating ko lang eh" reklamo nito. As if naman. Gusto lang din nyang makiusyoso sa ginagawa ng dalawa sa harap namin.

"Wag na. Halika na. Ikakain ko na lang to" sabay hila ko dito.

Nagpahila naman sya hanggang cafeteria pero simula doon sa puno na pinagtatambayan ko ay hindi tumigil ang bibig nya sa pagsasalita tungkol sa ginagawa kong pagtitig kay Zeus araw-araw. Hindi ko alam pero nagiging adiksyon ko na ang pagtigtig sa kanya araw-araw. Minsan tinanong ako ni Nicole kung hindi daw ba ako nagsasawa kay Zeus. Sagot ko, hindi ako nagsasawa, mas lalo lang akong nalulunod sa bawat araw na lumilipas.

My ParamourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon