II

3 0 0
                                    

"Nandito ka na pala, Kuya!" bati ko kay kuya pagkapasok niya ng bahay.

Hindi niya ako sinagot o binigyan ng tingin dahil dire-diretso lang siya. Para bang isa lang akong hangin na dumaan sa harap niya. Pero kahit ganoon ang pakikitungo sa akin ni Kuya, patuloy parin ako sa pagbati at pagka-usap sa kanya kahit alam kong ayaw niya akong kausapin o di kaya napipilitan lang siyang kausapin ako dahil utos nila Mama at Papa. Masakit dahil noon pinagtatanggol niya pa ako sa mga nang aasar at umaaway sa akin, pero ngayon malayo na siya sa akin.

"Kuya sandali, may itatanong lang ako sayo!" dali dali akong tumayo mula sa pagkaka upo ko kaya hindi ko namalayang nag out of balance ako kaya natumba ako. Tumama ang siko at likod ko sa table sanhi ng pagkabasag ng flower vase na isa sa collection ni Mama.

"Ano ba naman iyan, Alexis! Wala ka na ngang naitutulong tapos nagsisira ka pa ng gamit!" sigaw sa akin ni Kuya dahilan para maiyak ako. Hindi dahil sa nakabasag ako, kundi dahil sa sinabi niyang wala na akong naitutulong. Tama siya, wala na nga akong naitutulong sa pamilyang ito. Oo, ako na ang pabigat pero lumalaban naman ako ah at hindi ko ito ginusto, nasabi ko nalang sa sarili ko habang humihikbi.

"Anong nagyayari dito, Alexus! Bakit nasa sahig ang kapatid mo? Anong ginawa mo na naman sa kapatid mo?" galit na turing ni Papa kay Kuya, sa pagpasok niya rin ng pinto galing trabaho kasabay ni Mama.

Dali-daling lumapit sa akin si Mama at Papa para tulungan akong tumayo at pinihiran ang aking luhang patuloy na umaagos.

"Pa, walang ginawa sa akin si Kuya, sadyang nalaglag lang ako sa upuan kaya nahulog ako at nakabasag. Sorry, Mama. Sorry, Papa!" patuloy parin ang pag iyak ko dahil sa pag sabi ko ng salitang Sorry dalawa ang meaning noon para sa akin.

"Napaka-iyakin mo talaga kahit kailan, Alexis! Nakakairita! Makaalis na nga lang dito! Nakakabwiset ang kadramahan ng isa diyan" sabi niya sabay labas ulit ng bahay. Alam kong ako ang pinapatamaan niya dahil ako lang naman ang nakikita niyang pabigat sa pamilyang ito.

"Anak, hayaan at unawain mo nalang ang Kuya mo. Baka pagod iyon galing trabaho, siguro marami lang siyang inaayos. Pagpasensiyahan mo nalang siya!" sabi sa akin ni Mama.

I just nodded and smiled at them. Lagi naman ganoon eh, kailangan ko si Kuyang intindihin at pagpasensiyahan dahil alam ko balang araw babalik at babalik ang dati naming pagsasamahan katulad ng dati.

"Ma, ako na ang hahatid sa kwarto ng anak nating si Alexis. Mag-usap nalang tayo, after this mess!" sabi ni Papa.

"Alexis" tawag sa akin ni Papa pagka-upo ko sa higaan.

"Bakit po, Papa?" tanong ko sa kanya ng may ngiti.

"Anak, please understand your brother. It's just that may problema ngayong sa kompanya and I assigned him to find a solution about that. It just so happened na ikaw ang napagbuntungan niya ng galit dahil napagalitan ko siya kanina sa opisina. I'm sorry, anak!" sabi sa akin ni Papa haplos sa ulo ko na parang bata.

"Don't worry, Pa! I fully understand his situation. And I'll never ever get tired on understanding him, Promise!" sagot ko kay Papa sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"Oh, well! I got to go and talk to your Mama. Dadalhan ka nalang namin ng hapunan mo dito sa kwarto para hindi ka na mapagod" Paalis na sana si Papa ng mapansin niya magsugat ako sa siko at hindi maipinta ang mukha ko dahil nararamdaman kong mananakit ng likod kong tumama sa table kanina.

"Anak, may masakit ba sa iyo bukod diyan sa sugat mo? Tell me at gagamutin na natin." tanong sa akin ni Papa ng may pag aalala.

"Nothing, Pa! Kumikirot lang yung likod ko" sagot ko sa kanya. Pero parang hindi siya naniwala sa akin kaya't tinawagan na niya ang aming family doctor.

30 days before My BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon