I

7 0 0
                                    

Buhay pa rin ako, nasabi ko nalang sa sarili ko. Hindi maiiwasang kabahan dahil mamaya o bukas ay pwedeng hindi na ako magising. But, Thank God! Buhay pa ako at pinipilit magpaka-lakas kahit alam kung ayaw na ng katawan ko.

"Alexis, anak!" si Mama. "Gising ka na ba?"

"Opo, ma!" Pinilit kung tumayo kahit hindi ko kaya.

"Anak, wag mo ng gawin kung hindi mo kaya, mahihirapan ka lang" sabi niya sa akin ng may simpatya.

"Ma, kaya ko pa! At hanggang kaya ko, kakayanin ko!" sabi ko sa kanya ng may ngiti sa mga labi.

"Anak, hayaan mo nalang kami ang mag-alaga at mag-asikaso sayo. Wag mong pagurin ang sarili mo" naiiyak na sabi ni Mama.

Masakit para sa aking makita ang magulang mong nahihirapan sa sitwasyon mo, para bang dumoble ang sakit kesa sa nararamdaman mong sakit sa katawan. Yun bang gusto mo ng sumuko pero hindi pwede kasi alam mong nandyan sila na hindi sumusuko at kasama mong lumalaban. Masakit na masaya dahil alam mong may kasama ka at hindi ka nag-iisa.

"Ma, tama na po! Wag na kayong mag-alala sa akin. Gagaling ako pangako!" sabi ko kay Mama sabay pahid sa mga luha niya.

"Naniniwala akong gagaling ka anak, naniniwala ako!" napalitan na ng mga ngiti ang mga luha niya.

"Halika na, anak! Baka hinihintay na tayo ng Papa't kuya mo sa baba para kumain. Aalalayan nalang kitang maglakad" sabi niya sabay pangtulong sa aking makatayo.

Sa araw araw ng ginawa ng Diyos at sa araw araw na nakakasama ko sila ay malaking pasasalamat ko na iyon dahil sa kabila ng nararamdamang kong ito patuloy parin akong nakakaramadam ng kasiyahan. Pero nandoon parin ang mga katanungang, hanggang kailan? Hanggang saan? Kasi alam kong may hangganan ang lahat ng ito. Patuloy lang akong kumakapit dahil kaya ko pa.

30 days before My BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon