Chapter 1
Umpisa ng Pakikipagsapalaran
May Pitong Taon gulang na babae na may kakaibang pananampalataya sa Diyos, ang pangalan nya ay Princess....Mapalad si Princess dahil may Lola siyang nakakakilala sa Diyos kaya umpisa palang ng kanyang pagkakakaroon ng isip ay nakakarinig na sya ng tungkol sa Diyos at nakakabasa na sya ng mga salita ng Diyos sa Bibiliya....Bukod dun may kakaiba din kay Princess....
Isang Araw ng 10:00 ng umaga nakaupo si Princess sa Hagdan nila.....Tinanong sya ng kanyang Lola
Lola:Anong ginagawa mo diyan apo?
Princess: May hinihintay po ako lola....
Lola:Sino naman Hinihintay mo?
Princess:Si Lolo Po....
Lola:ha eh pano dadating Lolo mo eh patay na sya diba?
Princess: Lola dumadating po si Lolo nakikipaglaro pa nga po sya sakin eh at kumakain pa kami.
Lola: Apo ano bang kalokohan yan???diyan ka na nga at may gagawin pa ko...
Pero inoobserbahan si Princess ng lola nya ...nakita ng lola nya na tumayo na si Princess at pumunta sa kwarto nila at nakita nya na nagtatalon at tumatawa si Princess na parang may kalaro...maya maya ay tinawag nya si Princess para kumain.
Lola: Princess tara na kakain na tayo...
Princess: Lola busog po ako ....
Lola: Ano pano ka mabubusog eh wala ka pa naman kinakain?
Princess:Meron po pinakain ako ni Lolo diba sabi ko sa inyo pagkatapos namin maglaro ni lolo kumakain kami.
Lola: Aber ano pinakain sayo?
Princess: kuchinta po...
Nagulat ang lola ni Princess dahil ng namatay ang Lolo nito ay 3yrs. old palang at di pa alam na yon ang paboritong pagkain ng kanyang lolo...kaya naniwala sya na nagpapakita ito kay Princess at nakikipaglaro....Sa tuwing may Okasyon nilalagnat si Princess sa di malamang kadahilanan...Nang Minsan natutulog si Princess sya ay nakapanaginip at sinabi sa kanyang Lola.
Princess: Lola napanaginipan ko po si Lolo may sinabi po sya sa akin.
Lola: Ano yon Apo?
Princess:Sinasama nya po ako at may pinapakain po sya sa akin.
Lola:wag ka sasama apo at sabihin mo sa lolo mo na wag naman at ayoko kamo maawa kamo sya sa akin at wag mo din kakanin ang binibigay nya.
Princess: Opo Lola sasabihin ko po.
Kinagabihan ay napanaginipan nanaman ni Princess ang kanyang Lolo.Parang basement ang itsura ng lugar at madilim at nakita ni Princess ang Lolo nya at sinabi ni Princess ang binilin ng kanyang Lola at pumayag naman ang kanyang Lolo.Simula nun ay di na napanaginipan ni Princess ang kanyang Lolo at di na din ito nagpakita pa sa kanya.
To Be Continued...Pls Dont Forget To Vote....God Bless you
BINABASA MO ANG