Chapter 40 [Her other side II ]

188K 5.6K 1.6K
                                    

BLAISE HARRISON BLAIRE

"Ano ba kanina ka pa hila ng hila diyan!" Inis na inis kong angil dito. We are walking out of nowhere! Hindi ko na alam ang daan dahil puro sasakyan na!

Binitawan naman ako nito agad at nauna nang maglakad.

Madali lang palang kausap to eh! Edi sana kanina ko pa inutos na bitiwan niya ako! Ugh, unbelievable!

Pero nakakayamot lang dahil kinailangan ko rin siyang sundan!

Takte kasi, malay ko ba sa lugar na 'to! May choice ba akong bumalik? 'E, hindi ko na matandaan kung saan kami dumaan! Ugh!

"Hoy babae saan tayo pupunta?" Habol hininga kong tanong dito.

Takte ang bilis pang maglakad! Kainis, lagi nalang nagpapahabol! Hindi man lang marunong makiramdam na hinahabol ko siya..

Oh wait. What am I saying?! Geez! Nagagaya na ako kay Hunt sa mga double meaning nyang sinasabi.

What?! Yuck! Walang ibang meaning 'yun!!

Ugh!!! Nababaliw na ako!

Ngunit hindi niya lang ako pinansin kaya inulit ko nang ulit ang tanong ko.

"Ang ingay ingay mo! Oh diba sabi mo sasamahan mo ko? Edi sinama kita! Kaya tumahimik ka na!" Bulyaw nito at patuloy lang siyang naglakad.

Pero san kaya ako nito dadalhin?

Pero nabigla ako nang hindi ko inaasahang sasakyan ang pinara nito at halos lumuwa ang mata ko sa gulat..

No...this is not good.

MYRTTLE JOONG

Dahil may importanteng lakad ako ngayong araw, wala na akong choice kung hindi ang isama ang isdang 'to sa pupuntahan ko.

Badtrip lang kasi, kung hindi ko lang talaga kailangang agahang pumunta dun edi sana nakipag-away pa ko sa mokong na 'to hanggang sa mayamot siya at siya na mismo ang umalis sa harapan ko! Thats how I really hate his presence!

Mabilis naman akong napapikit habang iniiling ng mariin ang ulo ko.

Naalala ko ang usapan ni Blaise at Nay Julie kanina.

Ugh! Muntik ng malaman ni Blaise na si Dayle ang nawawala kong kaibigan! I really don't know what I am going to do if Blaise knew everything about this! No, hindi pa pwede. Kailangan ko munang mahanap si Dayle bago ang lahat. I should tell Nay Julie about this case, na hindi niya maari ikwento sa iba ang tungkol kay Dayle.

Inis akong nagmasid sa mga Jeep sa dumadaan. Kainis kasi puro puno! Lakas kasi ni Nay Julie eh, wala naman talaga akong balak magcommute 'e.

I hate it!

Ngunit agad akong naglakad ng mabilis habang hila hila muli si Blaise ng may makita ako sa hindi kalayuan ng jeep na wala pang laman! Sakto!

Pero Yah! Kailangan naming maunahan ang ibang pasahero.

Mas binilisan ko pa ang paghila ko sa braso ni Blaise.

At kung bakit ko siya hilig hilahin? Simple lang, dahil alam kong kapag nag-usap kami or simpleng tama ng tingin namin sa isa't-isa ay world war III na.

At ayokong pagaksayahan ang ganoong ganap ngayon.

Ngunit napatingin ako agad dito ng pabalik ng mapansin kong pinabibigatan nito ang kanyang sarili.

Hindi maipinta ang mukha nito na para bang dismayadong dismayado.

"T-Teka ayokong sumakay diyan." Turo nito sa Jeep at miling iling pa.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon