Chapter 60 [The Game of Doom]

145K 4K 458
                                    

I dedicate this chapter to Jenne EksDi

Hello Jeennne!!!!!

HARRISON UNIVERSITY: The school of Monsters
By: GHIEbeloved

LANDON ACE

Namuno lang ang katahimikan sa buong lugar. Pinagmasdan ko ang mga hindi makapaniwalang ekspresyon ng mga estudyante ngayon. Tila ba may kung anong meron na nag fla-flash ngayon sa likod namin na hindi nila mapaniwalaan.

Ang iba ay hindi lang doon nakatingin dahil matapos sabihin ni Dayle ang lahat ay napaling na sa aming mga Rulers ang lahat ng atensyon nila. Na tila ba nangungusap ang kanilang mga mata na hindi namin sangayunan ang sinasabi ni Dayle.

"Ano bang nangyayari?!"

"ANONG IBIG NITONG SABIHIN?!"

"Is that true?!"

At ilan pang mga samutsaring sigaw ng mga galit na estudyante.

Pero imbis na sagutin sila ay nanatili lang akong tahimik sa kinatatayuan ko. Gusto ko silang sagutin ngunit alam kong hindi nila maiintindihan ang lahat gaya ng kung anong tingin namin dito.

Wala. Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Dahil kahit kailan ay hindi ko rin pinangarap na mabunyag ang lahat ng sekretong ito.

Bakit kasi ngayon pa? Bakit ngayon pang nandito silang lahat saka mo ito gagawin saamin Dayle?

Kitang-kita ko ang matatalim na tingin saamin ng mga estudyante na kabilang sa special students at hindi ito maganda.

Base sa record ng income ng eskwelahang ito ay sa mga special students nanggaling ang 75% na kita ng Harrison University. At ang dahilan nito ay ang babayad ng mga naturang estudyante nang halagang tutumbas upang mapangalagaan ng eskwelahang ito ang kani-kanilang sekreto. Sekreto na hindi maaring lumabas mula sa kahit na kanino dahil sa kapahamakang maaring idulot nito.

At kung ibubunyag ngayon ni Dayle ang lahat. Siguradong hindi lang ang buhay naming mga nakakaalam ng lahat ang nasa panganib. Dahil maari din nilang patahimikin ng pwesahan ang makakaalam nito ngayon. At iyon ay ang mga ordinaryong estudyanteng meron ang paaralang ito. Nasa panganib ang buhay nila, at napakalaking gulo nito.

"Blaise ano nang gagawin natin?" Napalingon ako sa gawi nila Myrttle at Blaise nang isigaw niya ito kay Blaise na nakatulala lang sa lahat ng estudyante ngayon.

Hindi ko siya masisisi, dahil miski ako ay walang idea kung ano nang mangyayari matapos nito. Ang lahat ng special student ay naging tiwala saaming maitatago namin ang sekreto nila hanggang sila ay makapagtapos. Pero ibang usapan na kung ang sekretong ito ay mabubunyag. Maaring buhay ang maging kapalit ng pagsabog ng sekretong ito. Dahil hindi namin maitatangging mas kakaunti ang aming kakayahan kumpara sa kanilang bilang at kahusayan.

Hinanap na ng mata ko si Dayle. Hindi ako maaring magkamali, si Dayle ang may ari ng boses na iyon.

Pinalampas ko na ang walang kadahi-dahilang ginawa niya kay Myrttle nung nakaraan. Ngunit hindi ako papayag kung maging ang sekreto ng paaralang ito ay siya pa ang magbubunyag..

Ano ba Dayle... Bakit mo ba ginagawa saamin to?

"ANO BA?!" Napatingin kaming lahat kay Blaise nang sigawang muli ito ni Myrttle ngunit wala parin itong kibo.

"We need to do something." Napatingin naman akong napatingin kay Linzy. Hindi niya ako pinapansin mula pa kanina kaya naman ngayong alam kong may gulo nanamang mangyayari ay hindi na ako lumayo ng distansya sa kanya.

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon