Haaaaaaaaaaay
Buti nalang talaga at malapit lang ang bahay namin sa school kaya nagkakaroon ako ng chance na makapaglakad lakad.
Ang sarap talagang maglakad. Naglalakad ako ngayon papasok ng school.
*Inaaaaaat*
Sabay lagay ng dalawa kong kamay sa likod ng ulo ko habang naglalakad papunta sa gate ng school namin.
Renalson Highschool.
Yan ang pangalan ng school ko.
Ayan, nakapila na ko papasok ng school. Medyo mahaba rin ang pila.
Ganito talaga sa school namin. Organize dapat pagpapasok ang estudyante sa gate.
Ayaw kase ng principal na makalat pumasok ang estudyante. At mas nachecheck daw kung nakacomplete uniform ba ang mga estudyante.
Maaga naman magpapasok ang school kaya di hassle sa time kung yan ang iniisip nyo.
Hindi pa pala ako ng papakilala, ako nga pala si Kaycee Divinna. 15 years old at 3rd year Highschool na ko.
At dahil syempre sa kakadaldal ko, ako na pala ang sunod.
"Good morning, Kuya Guard ! Gwapo natin ngayon ah." Bati ko kay Kuya Guard. Close na kami nyan syempre since first year ko sya na nakagisnan kong guard dito..
Tumawa lang si Kuya Guard.
"Good morning din, Kaycee. Ang aga mong mambola ah."
Chinecheck na nya ang uniform ko.
Syempre may ID with ID Lace
Maayos na necktie
White uniform
Below knee na kulay maroon na palda
At syempre whitesock and blackshoes.
Pabibo akong estudyante kaya wag kayong ano.
"O sige na pasok ka na."
"Salamat Kuya Guard ! Have a nice daaaay !"
Tumakbo na ko papunta sa building kung nasaan ang room ko. Syempre excited na ko kase makikita ko na naman ang mga classmate kong magugulo. Hihihihi.
"Hi Kaycee !"
"Hello, Ate Kaycee!"
"Good morning Kaycee!"
Ngiti na labas ngipin at kaway ang ganti ko sa mga bumabati habang papuntang building ng year namin.
Oh, wag niyo isipin na sikat ako ah or something. Hindi rin ako tumatakbong pulitiko dito sa school. HAHAHAHA.
Nafefeel siguro nila ang goodvibes ko kaya lagi na nila akong binabati.
Hayaaaaaaan ! Naririnig ko na ang simoy ng kaingayan ng room namin. Naeexcite na naman akoooooooo !
Inayos ko na ang sarili. Tinanggal ko na ang ngiti na labas teeth at nagpakapokerface na. Kailangan itago ang nararamdamang excitement.
Pagtapak ko pa lang sa pintuan, nawala na ang ingay at lahat sila tinignan ako. Ramdam nila yung pokerface ko.
Habang papunta ako sa teacher's table ay nakasunod din ang tingin nila sakin.
Nang nasa teacher's table na ako ay tinignan ko sila with matching serious emotion at poker face.
"May announcement ako guys!" sabi ko sakanila with serious tone.
"Anong announcement yan at ang seryoso mo ata?" tanong ng isa naming kaklase na medyo kinakabahan na.
Bumuntong huminga muna ako. Pampakuha ng bwelo.
"Ang announcement ko ay................................................"
AN:
Ano ang announcent nya ? Nakakaintriga ba ? Ok ba yung flow? Aayusin ko tong kwento na to. At sana ay magtuloy tuloy na to para maayos ko na at matapos ko na rin. HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Ang Magulo Kong Kwento
Teen FictionKatulad nila, isa lamang din akong simpleng estudyante. Palaging pumapasok sa eskwela Minsan masipag Minsan hindi Maingay Madaldal Palangiti Palakaibigan............ Pero pano kung ang inaakala kong simpleng pangyayari ng buhay ko ay umpisa pala ng...