Ikatlong Yugto.

20 1 0
                                    

*Beeeeeeeeeeeeell*


Yeeeeeees ! Sa wakas uwian na.


Nag-ayos na ko ng gamit at sarili para makauwi na. Nakita ko rin na nag-aayos na yung dalawa.


*Bzzzt*


Naramdaman kong may nagvibrate sa bag ko kaya kinuha ko. May nagtext pala sa phone ni RIco.


"Rico, may nagtext sayo oh." sabi ko sabay abot ng phone nya sakanya. Inabot ko na rin kay Kit ang phone nya.


Nagsimula na kaming maglakad habang nagtinitignan ni Rico yung text sakanya.


Ngiti ngiti at kaway kaway lang ako sa mga nagpapaalam samin na mga estudyante na nakakasabay na maglakad papalabas ng gate. Syempre nakakahiya naman hindi pansinin.


"Hindi na ko makakasabay sa inyo. Tinext pala ako ni Coach. May praktis pa pala ng sayaw." Sabi ni Rico ng nasa gate na kami.


"Ay ganun. Sige kami nalang ni Kit sabay uuwi." sabi ko.


"Hindi kita masasabayan, Kay. Ngayon na start ng training namin sa basketball." biglang sabi ni Kit sakin.


Natampal ko ng mahina yung noo ko. Syempre, sino manlilibre sakin eh balak ko pa naman ayain sila maggala muna.


"Wala pala ako  makakasabay. Trip ko pa naman muna maggala muna bago umuwi. Sayang kala ko makakalibre ako." napanguso ako kase sayang talaga.


Napatawa naman yung dalawa sakin.


"Hahaha. Ikaw na muna maggala. Libre mo muna sarili. Sige na gala ka na." ginalaw pa nya yung dalawang kamay nya na parang pinapaalis na talaga ako.


"Oo na. Sige. Babye. Goodluck sa mga praktis nyo ah." paalam ko na sa dalawa.


----------------


"Haaaaay, ano ba pwede kong magawa." Nakakalungkot talaga pagmag-isa ka maggala.


Nandito ako ngayon sa SM. Lakad lakad lang dahil hindi ko alam gagawin ko. Nakakainis kase ako lang mag-isa.


Libot lang ako ng libot dito. Lakad dito lakad doon. Tingin dito tingin doon. Pinapagod ko lang sarili ko.


Maya maya nakaramdam na ko ng gutom. At bigla akong natakam sa McFloat kaya naisipan kong sa Mcdo kumain.


Sinilip ko yung phone ko habang naglalakad. Nagtext pala ang dalawang kolokoy. Kinakamusta nila ako sa paggala mag-isa at pinaalalahang mag-ingat daw ako. Chineck ko yung oras. 4:30pm na pala eh 4:15pm pa yung text nila.


So, nireplyan ko sila para hindi na rin sila mag-alala. Baka bigla nila akong itadtad ng text. Iyung dalawa pa namang yun paghindi ako lang ako nakapagreply sakanila eh sobra na kung mag-alala dinaig pa si Mama. Tinext ko na rin si Mama para alam nya kung nasaan ako. Baka magtext pa yung dalawang yun kay Mama.


Habang naglalakad na ko papalapit sa Mcdo, nanlaki ang mata ko ng may naramdaman akong bagay na nakatusok sa bandang bewang ko.


My goodness! Ang malas ko naman o.


Naramdaman ko pang lumapit sya sakin sa likod ko. Sobrang lapit ng katawan namin.


Shems may abs si Kuya. Kaycee, wag kang maglandi ngayon. Pinagnasaan mo pa abs ng kung sino man yang nilalang na may abs. Mag-isip ka kung pano makakatakas.


Kinakabahan ako ngayon. Kase first time to nangyari sakin. Parang gusto ko na tuloy magsisi na naggala ako ngayon. Nafefeel ko na medyo nanginginig kamay ko na nakahawak sa bag ko.


Ito nalang talaga naiisip kong paraan. Wala na kong choice. Kelangan ko tong gawin kung gusto ko pa malasap ng mabuhay ng matagal.


Kaya mo to Kaycee. Napahinga sya ng malamim at desidido na syang gawin ang paraan na naiisip nya.


AN:

Heto lang nakayanan ko. Nagtuloy tuloy sa pagtatype ang kamay ko hanggang sa dito lang nakayanan na itype. Sana ok lang tong update ko este ng mga daliri ko pala. Hahaha. :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Magulo Kong KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon