Marissa POV
Kanina pa ako dito sa table at napansin ko na agad c gab sa kabilang table at kasama niya c denzer yung nagpakilala saakin, magkaibigan pala sila.
Sa totoo lang kilala ko talaga si gab kapit bahay kami eh! di lang magkapitbahay magkaibigan pa ang family namin na parang magkapamilya na talaga ang turingan. pero sa lahat silang magkakapatid close ko, siya lang ang hindi.
Napatingin ako sa table nila at nataranta ako ng pagtingin ko nakatingin din siya sakin kaya kahit gusto ko pa yang maka eye to eye contact inalis ko na agad ang mga mata ko.
Relax maris focus wag mataranta ano kaba sabi ko sa sarli ko.
Hoy!!!
Nabigla ako ng may sumigaw pagtingin ko c nharz. Ano kaba naman nharz bat naninigaw ka?
Hehehehe ikaw naman kasi maris lumilipad ata utak mo.
Anong lumilipad ka jan?
Nagdedeny kapa jan di mo nga napansin na kanina pa kitang tinatawag eh!
Sorry na ano ba yun?
Kakain na tayo oh! Ito na pagkain para makabalik na tayo sa room.
Di nalang ako umimik kinuha ko nalang pagkain ko si jaz at nharci kasi nagsisimula ng kumain ako nalang pala hindi.
Madali naman kaming natapos kaya agad kaming bumalik sa klase. ayon dahil sa unang pasok daw nagpakilala lang ang teacher tapos kunting introduction tapos ayon uwian na hehehe.
Kaya nagligpit agad kami ng gamit para nakauwi agad.
Jaz? Sabay na tayong umuwi diba same street lang naman tayo?
Oo sasabay na ako sa inyo maris.
Umuwi kaming magkasabay lahat ako c nharz, nharci at c jaz.
Nagdagdagan ng isa ang kaibigan ko at yun ay c jaz masasabi kung magandang umpisa to para sakin kaya na eexcite pa akong pumasok sa eskwela.
Ma?! Sigaw ko nung makapasok ako sa bahay, ma andito na ako.
Andito ako sa kusina anak.
Pumunta agad ako sa kusina at nakita ko si mama na busy sa paghahanda ng hapunan.
I kiss her cheeks then ngumiti sa kanya. Ma ang aga niyo atang maghanda ng hapunan.
Dapat lang anak para makakain kayo ng maaga at makapagaral at makatulog ng maaga.
Oh! Muzta unang araw mo sa school anak?
Kumuha ako ng tubig sa ref at nagsalin sa baso ininom ko muna ang tubig bago sumagot. Ok lang naman ma masaya :) tutulong na po muna ako ma para mapadali ka :)
Wag na anak punta kana sa kwarto mo para makapagbihis ka tatawagin nalang kita kung may gagawin pa.
Cge na nga ma :) i love you ma sabay alis sa tabi ni mama.
Lagi namang ganyan si mama kahit marunong naman ako magluto di niya padin ako pinapatulong ang gusto niya kasi siya daw magalaga saamin kaya love na love ko si mama syimpre pati si papa.
Pag akyak ko sa taas pagbukas ko ng pinto nasa kwarto ang kapatid ko. isa lang ang kwarto namin pero tatlo kami sa loob, may kanya kanya kaming bed at pag lagyan ng gamit kaya parang may kanya kanya din kaming kwarto kaya nga lang sa iisang kwato.
Pero ok lang naman kc lahat kaming magkakapatid nagkakasundo.
Narissa? Oy! Naris? Tulog kaba?
Hhmmp! Ungol niya bat di ka man lang naglolock ng pinto? Saan si bunso? Hmmp! Ate talaga oh! Kitang natutulog ang tao tapos istorbo. Pupungas pungas pa niyang sagot sakin. Cge na tulog kana ulit parang sobrang pagod mo ah!
Nagbihis na ako at nag ayos ng mga gamit ko sa school para bukas ready ang lahat hindi yung may maiiwan pa ako. Nahiga muna ako para magpahinga napagod din naman ako kahit wala naman kaming masyadong ginawa sa school.
Bigla akong may naisip oo nga pala yung panaginip ko kaninang umaga. Feeling ko biglang namula ang pisngi ko nung maisip ko ang panaginip ko.
Kahiya naman bakit ganon panaginip ko? Kanina kasi bago akong gisingin ni papa nananaginip pa ako at si Gabriel pa ang panaginip ko. Kyaaaaa!!!! Kahiya talaga ^_^ pero di ko maiwasang di kiligin isipin niyo yun hahalikan daw ako ni gabriel? Sayang talaga di natuloy hehehe ano kayang pakiramdam non?
Anong "ano ang pakiramdam ate?"
Yung ganon? Yung pakiramdam na.... Napahinto ako sa pagsasalita at tumingin sa kapatid ko.
Ano ulit yun naris?
Sabi mo kc ate kung ano ang kaya ang pakiramdam non?
Shit! Naman dahil sa kakiligan ko di ko namalayan na napalakas na pala ang pagsasalita ko.
Eheem eehhmm!
Tumikhim ako para ayusin sarili ko at pag iisip ko baka kung ano pa masabi ko kay naris.
Wala yun naris sabay ngiti sa kanya may iniisip lang ako kaya wag munang intindihin yun di naman importante yun :)
Ate! Ate! Kakain nadaw sabi ni mama. Humahangos pang sabi ni lissa samin.
Sabay kami ni naris napatingin sa may pinto yung bunso naming kapatid na si lissa pala :)
9 years old palang c lissa pero kung magsalita parang 5 years old. Maliit kc ang boses tapos ang cute pakinggan kaya lagi naming kinukulit at pinang gigigilan pero ayaw niya ng ganon kasi di nadaw siya bata para tratuhin ng ganon.
Tumayo na ako sa kama para pumunta sa baba at ng makakain na. saamin kasi dapat sabay sabay kapag kumakain lalo na pag alam na nasa bahay naman lahat di pwede na di buo kapag nasa hapag kainan dapat present kaming lahat.
Pero ngayon di kami buo si marco kasi na sumunod saakin nagpaalam kay papa na di makakauwi kc may gagawin silang assingment ng mga classmate niya.
Hmmmp!? Ma ang sarap talaga ng luto mo the best ka talaga sabi ni naris ng matikman niya ang sinigang ni mama.
Nako ang anak ko nambola pa heheh kain kana nga jan ng madami para magkalaman ka.
Tumawa kami ni lissa sa sinabi ni mama sa totoo lang kasi sakto lang naman ang katawan ni naris pero dahil matangkad siya nakikita talaga na payat siya.
Tama na sa kakatawa kumain na kayo sabi naman ni papa.
Kaya ayan tahimik kaming bigla pag kasi si papa na nagsalita tikom na lahat ng bubunga namin kakatakot kasi si papa.
Pagkatapos naming kumain kami na naghugas ng pingkan ayaw pa sana kami payagan ni mama pero pinilit namin na kami na.
Pag dating kasi sa gawaing bahay di talaga papaawat si mama gusto niya siya lahat ang gagawa pero di naman kami papayag na lagi nalang siya kaya pinipilit namin talaga na kami nalang.
Pumanhik kami agad sa taas pagkatapos naming maghugas ng pinagkainan naglinis nadin kami ng katawan at kanya kanyang punta na sa kama.
Bago ako matulog nagdasal muna ako at habang nagdarasal ako napapatawa ako kasi naman hiniling ko na sana mapanaginipan ko ulit c gabriel.
Di ko namalayan kung anong oras akong nakatulog basta nakatulog akong masaya kakaisip kay gabriel.
---------------------------------------------------
Hirap naman pala gumawa nito huhuhu :(
Bakit sa isip ko ang dami dami kung naiisip pero pag nagsusulat na ako nakakalimutan ko na hehehehe
Buti di ako mahihirapan dito kc itong kwento nato ay bahagi ng buhay ko.
Dadamihan ko sa next chapter.
Salamat sa kaibigan qo na binasa ang kwento ko hehehehe :)
Sabi niya may errow daw hehehehe salamat honey sa comment.
Kaya sorry if madaming mali.
YOU ARE READING
first love
Randompano nga ba magmahal? mas masarap ba talaga pag first love? or mas masakit? Sa first love kc jan mo mararanasan ang lahat sumaya, kiligin, umiyak at masaktan kaya tunghayan natin kung paano mararanasan ni marissa ang kanyang first love.