Charlie's Side
Kaboom!!! Tunog ng sahig habang pagulong-gulong akong nagising.
"Aray ko!! Sakit nun ah!!" sabi ko habang kinakapa-kapa ang aking ulo.
"Charlie!!! Ano yang ingay na yan??" sigaw ni mama galing sa baba ng bahay.
"Ah!! Wala po ma." sagot ko habang patuloy na hinihimas-himas ang ulo sa sakit.
"Bilisan mo na!! Papasok ka pa," sabi ng mama ko.
"Opo, papunta na po." sagot ko habang papatayo.
Teka bakit ba ako nahulog sa kama? Tumingin ako sa kama at nakita ko ang aking gusot na kumot at ang aking dalawang unan na parang ginamit sa pillow fight. Aaaaahh!! Nanaginip nga pala ako. Eh ano nga yung panaginip ko? Bahala na nga, baka ma-late pa ako.
"Oy! Mamaya nga pala baka di ako makauwi. May gagawin pa kasi kami sa trabaho mamaya, baka matagalan at di na ako makauwi. Malayo pa naman yun. Kayo na lang muna ng yaya mo ang bahala dito. Wag mong aawayin ang yaya mo ha!" sabi sakin ni mama habang isinusuot ang coat na ginagamit nya sa trabaho. Malayo kasi ang bahay namin sa tinatrabahuhan ng mama ko.
"Opo ma. Ok lang po." sagot ko habang umiinom ng mainit na gatas. "ORAAAYYYTT" sabi ko sa isip ko. "WALA SI MAMA MAMAYANG GABI!!!" sigaw ko sa isip ko.
"Sige alis na ako, baka ma-late pa ako. Dalhin mo na lang yang isang kotse, dadaan yung kaibigan ko dito eh. Oh ayun na nga." sabi nya dala ang bag na palagi nyang ginagamit sa trabaho at nakatingin sa sasakyan sa labas ng aming gate.
Ang ama ko ay nasa ibang bansa kaya kaming dalawa lang ng aking nanay at yaya ang nandito sa bahay namin. Nag aaral ako sa isa sa pinakamahal na university dito. Dati kaming naninirahan sa isang appartment sa Caloocan pero lumipat kami dito kasi mas malapit ang bahay namin sa paaralan ko. Nag ran out of words na ako kaya maya na lang ulit. Hahaha.
**************
Princess' Side
"AAAAH GANUN?! OH ETO TANGINA MO!!" sigaw ng kapit-bahay namin at may ibinatong suntok sa kaaway. Halos araw-araw na may kaaway ang kapit-bahay namin. Kahit gusto naming lumipat ng bahay ay wala rin kaming magawa dahil nakatira lamang kami sa tagpi-tagping yero sa squatters area. Kilala rin kami sa tawag na NPA: No Proper Address. Langyang buhay to, pangalan ko pa naman princess. Eh ano?!!? Prinsesa ng mga skwater?
"Oy! Oy! Oy! Anong kaguluhan nanaman ito?" sigaw ng mga rumispondeng tanod.
"Sya po kasi sir eh. Binato ba naman ng basura ang pinto namin!!" sagot ng aming kapit-bahay.
"Eh paano mo matatawag na pinto yan eh wala naman kayong pinto!!" sigaw ng kanyang kaaway. Nagtawanan ang mga taong nanonood na kanina ay halos magpustahan kung sino ang mananalo.
"Anong sabi mo!!??" sigaw nya tapos sinundan ng isang straight sa muka ng kaaway, tumba.
"Whooooooooo!!!" sigaw ng mga tao.
"Tumigil na nga kayo! Dun na lang kayo sa baranggay magpaliwanag. Halos araw-araw kayong nag aaway. Nu ba yan!!??"
"Hoy babae!! Maligo ka na at male-late ka na!!" sigaw ng nanay ko habang nagliligpit ng banig.
"Opo eto na po." sagot ko. Tumayo na ako para mag lakad papunta sa aming banyo.
Skolar lang ako sa isang sikat na university dito sa amin. Iniwan kami ng aking ama noong ako'y ipinagbubuntis pa lang ni nanay. Napadpad kami dito at dito nya na rin ako isinilang, dito nya ako pinalaki, dito kami nagkabahay(di ko alam kung bahay ba talaga ito). For short dito na nangyari ang lahat simula noon. Ewan ko ba sa tatay ko kung bakit kami iniwan, whooooo!! Nakaka-gg kung isipin!
BINABASA MO ANG
Heart of A Broken-Hearted
Teen FictionThis story is work of fiction. Some character names are taken from real life but characteristics and roles are not related. All Rights Reserved. Magsisimula ang ating istorya sa isang sikat na University. Nang nakita ni Charlie si Princess ay may n...