Chapter 2

31 3 0
                                    

Charlie's Side

May kumatok sa pintong isang dalagang naka T-shirt na color pink na may malaking Hello Kitty na drawing at pantalon. May dalang maliit na shoulder bag. Pero sa lahat nang yun, ay may naramdaman akong kakaiba. Di ko alam kung ano pero ngayon ko lang yun naramdaman.

"Yan pare!! Yan yung babaeng chiks na nakita ko kanina!!" sabi ni Daniel at itinuro yung babae.

"Class, you have a new classmate. You may enter now," sabi ni Prof Rusty. Pumasok yung babae at naupo agad sa pinakamalapit na upuan.

"Please introduce yourself," sabi ni Prof Rusty. Tumayo sya at humarap sa amin.

"Hi guys! I am Princess De Guzman. You can call me Princess," sabi ni Princess at kumaway ng kamay.

"Take your seat," sabi ni Prof Rusty. Agad na naupo si Princess at kinuha ang notebook sa bag.

"Ang ganda nya pare!!" sabi sakin ni Daniel.

"Edi ligawan mo na. Baka maunahan ka pa nyan eh," sagot naman ni Julius habang idina-drawing si Ragna The Bloodedge(anime character). Ilang minutong walang kumibo dahil unang araw pa lang nakakatuyo na ng dugo sa utak ang lesson.

"Bakit walang kumikibo?" tanong ni Michael. Kumuha sya ng isang candy sa bulsa, binuksan at ipinasok sa bunganga.

"Meron ka pa?" tanong ni Daniel.

"Wa na," sagot nya. Humarap kay Prof. Rusty si Daniel at natulala. (Ano kayang iniisip nitong punyetang ito?) Maya-maya ay tumingin kay Princess at natulala nanaman. (Tangina tumigil ka ah!) Tumingin ako kay Clarisse at pagtingin ko ay nakatingin rin sya sakin. (Emergerd) Umiwas agad ako dahil medyo awkward na. Pero deep inside me, 😍😍😍😍😍.


Ilang minuto ang lumipas at natapos rin ang subject namin.

"Oh sige! Kita-kita na lang mamaya. Ingat kayo ah!!" sabi ko kina Julius.

"Sige!! Kita-kita na lang mamaya." sabi sakin ni Julius at kumaway sya ng kamay. Pumunta na ako sa sunod kong klase. Sabay na kami n Daniel dahil pareho ang course na kinuha namin. Pagkapasok ko ay naupo agad ako sa upuan na pinakamalapit. Tumingin ako sa oaligid ng classroom at may nakita akong nakakagulat. Kaklase ko si Princess. Di kaya pareho ang course na kinuha namin?

"Oy tingnan mo," bulong sakin ni Daniel. Itinuro si Princess na nauupo.

"Oh ano?" tanong ko.

"Ang ganda nya pare," bulong nya. Tinitigan ko si Princess ng matagal at maya-maya ay tumayo si Daniel at lumakad papalapit kay Princess. Ey! Ey! Ey! Anong gagawin mo?

"Hi Princess. Pwede ba tayong maging magkaibigan?" tanong ni Daniel. Inabot nya ang kanyang palad para maki-shake hands. Parang nag-isip pa si Princess ng matagal kung tatanggapin nya. Maya-maya ay tumango si Princess at nakipag-shake hands. Pagkatapos ay inalis nya agad ang kamay at ipinahid sa kanyang pantalon. Nagsmile si Daniel at umalis na. Naupo na ulit sya sa tabi ko at maya-maya ay dumating na ang aming guro sa Computer Science. Naka-polong longsleeves at maong na pantalon. Brush-up na buhok at may dalang laptop. Isinulat ang pangalan sa blackboard. Dominique Vasquez.

"That's my name. You can call me Sir Nick." sabi ni Sir Nick.

"Sir, may lesson na ba?" tanong ni Jason, ang pinakamakulit sa klase.

"Because it's the first day of classes today, we will not have any lessons for today. I want to know each of you. I want to be friends with you. If you want, you can treat me like one of your friends, but still I need a little respect," paliwanag ni Sir at tiningan kami sa mga mukha. Best teacher ever para sakin.

"Astig," bulong ko kay Daniel.

"Hmph! Sinabi mo pa!" bulong rin sakin ni Daniel.

"So please introduce yourselves to me," sabi samin ni Sir. Nagtinginan kaming magkakaklase.

"Sayo muna sir," sigaw ni Jason.

"Oo nga sir. Dapat sayo muna," sabi rin ng ilan naming kaklase. Ngumiti si Sir.

"Sir! May boyfriend ka na?" tanong ni Dhon. Nagtawanan ang mga kaklase namin. Tumawa rin si Sir at siniko ni Daniel si Jason sa tyan.

"Aray ko!!" sigaw ni Dhon.

"Anong boyfriend? Lalaki yan tanga!" sagot ni Daniel.

"Kung may girlfriend na ako? Hmmmmmmm.... Let's see... Wala pa..." sagot nya.

"Yeess!!!" sigaw ni Camille. Tinginan ang mga kaklase ko sa kanya.

"Oopss. Sorry. Hehe." sabi nya samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart of A Broken-HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon