Charlie's Side
"Anong plano? Di ba wala mama mo ngayon?" tanong ni Julius sabay akbay ang braso.
"Punta tayo sa party mamaya," sagot ko.
"Saang party?" tanong nya.
"Sa bahay ko, gets mo na?" sagot ko.
"Aah! Ok!" sagot nya.
"Oy! Oy! Oy! Oy! Anong kalokohan yan?" sigaw ni Daniel habang tumatakbo mula sa likod papalapit.
"Waddup homie!?" greetings ko sa kanya
"Waddup nigga?" sagot nya
"Sa bahay ko mamaya. Mga 6:00 ng gabi," tugon ko.
"Sige sige!! Punta ako dyan!" sabi nya na tumatango-tango pa. Siguro alam nya na agad kung ano ang tinutukoy ko basta kapag ang setting sa bahay at gabi.
"Mag-invite ka rin ng mga gusto mong isama,"
"Sige sige! Oh pano yan? Maya na lang? Kita kits!" tugon nya habang tumatakbo papalayo.
"Guys!!! May paparty sa bahay ni Charlie mamaya!!" sigaw ni Daniel pagkapasok pa lang sa pinto. Pagod na pagod itong umupo sa katabi ko.
"Talaga???!!! Yay!!!" sigaw ni Clarrisse galing sa isang sulok ng classroom. (btw crush ko sya.. Yieeeeeeee!!! Ahahahahaha!!!)
"K," sabi naman ni Deniece, ang pinakamataray sa classroom.
"O san ka galing? Mukang pagod na pagod ka ah!? Anong ginawa mo??!!??" tanong ni Michael na tinititigan si Daniel mula ulo hanggang paa.
"Wala may hinabol kasi akong chiks kanina," sabi nya na pumapaypay ng panyo.
"Dyos ko. Chiks nanaman. Parang iniisa-isa mo lahat ng babae dito ah! Eh ano? Nahabol mo ba?" tanong ni Julius na nakakunot ang noo.
"Hindi eh. Ang bilis nya," panghihinayang na sagot ni Daniel.
"Good morning class!!" isang boses ang sumigaw galing sa isang matandang teacher na pumasok sa classroom, mukang galing pa sa Dekada 70's ang gamit na dala at ang gusot-gusot na polo ay parang di nalabhan at naplatnsa ng ilang taon.
"Welcome to Physics. I am your professor, Mr. Jonathan Lopez," sabi nya at isinulat ang pangalan sa blackboard.
"Muka ngang makaluma, Lopez ang apelyido, Rusty Lopez ang dapat na bagay sa kanya dahil mukang kalawangin na ang itsura," bulong ko kay Julius.
"Ahahahahahahaha!!!" tumawa sya at hinampas ako ng mahina sa ulo.
"Sige Prof Rusty na lang tawag natin sa kanya," dagdag pa nya.
*knock*knock*knock*
May kumatok sa pinto....
***************
Princess' Side
"Princess De Guzman po," sabi ko sa matabang security guard ba mukang masungit.
"Aaaaaaaaaaahhh....... Ikaw........ Eh ano ngayon kung ikaw si Princess De Guzman?Tinatanong ko ba? Haaayyyss... Unalis ka nga sa harap ko! Street chuldren ka lang siguro dyan eh....." sabi ng guard na naka-kunot ang noo at nagpapay-pay.
"Ah hindi po....... Eto yung mga files oh.." sabi ko habang kinukuha ang files sa bag ko at iniaabot sa security guard. Tinignan ng guard ang files at kinamot ang ulo.
"Pasok na!" sigaw nya.
"Salamat po."
"Ikaw po ba si Ms. Princess De Guzman?" tanong ng babae sa Vice Principal's Office sakin.
"Opo, paki-check na lang po ng files para malaman kung pwede na po ako," sabi ko sa habang nananalangin sa isip ko.
"You may. But it still depends on you if you want to start now. By the way, I'm Ms. Andrea Cumbao, secretary of the Vice President. If you need me, just search me," sabi sakin ng babae at iniabot sakin yung envelope na may mga files.
"Sige po, salamat po," sagot ko. Kinuha ko ang envelope at lumabas na ng opisina.
Naglakad-lakad ako sa campus at naupo ako sa isang bench sa tapat ng grassfields. Binasa ko ang files at dun nakalagay kung saan ang section ko; Section 2G10, Main BSBA Building 2nd Floor.
"Section 2G10? Main BSBA Building 2nd Floor? San yun?" tanong ko habang nakangangang tinititigan ang files. Bahala na nga lang si Batman. Tumayo ako para maglibot-libot muli pero may sumigaw galing sa likod ko,
"Miss!! Teka lang!!" sigaw ng lalakeng tumatakbo. Sa sobrang panic ko tumakbo na rin ako kahit saan at hinabol nya ako hanggang sa mapagod sya at nung makalayo-layo na ako ay tumigil na rin ako. Nagtanong ako sa isang janitor kung saan ang Main BSBA Building. Ang laki pala ng paaralang ito.
"Ah! Maglakad ka lang po ng dire-diretso at kapag may nakita kang mapa ng paaralan na nakadikit sa pader dun mo na lang tignan," nakangiting sabi sakin ng janitor. Nakakainis yun ah! Pilosopo!
"Ah sige salamat po," sabi ko. Naglakad-lakad ako hanggang nakita ko na ang sinasabing mapa ng janitor. Wew ang laki pala talaga ng paaralang ito!! Nakakahilo yung mapa! Hinanap ko rin ng ilang segundo ang Main BSBA Building, di ko alam nasa likod ko na lang pala ito (lol).
"Bakit parang wala nang tao?" bulong ko sa sarili ko. Tumaas na ako ng hagdan at hinanap ang classroom ko sa 2nd Floor. Habang naglalakad ay nakita ko ang ibang classroom na nagsisimula na. Hala!! Sa sobrang kaba ko ay tumakbo na ako. Sa wakas ay nakita ko na rin classroom ko. Kumatok ako sa pinto...
*knock*knock*knock*

BINABASA MO ANG
Heart of A Broken-Hearted
Fiksi RemajaThis story is work of fiction. Some character names are taken from real life but characteristics and roles are not related. All Rights Reserved. Magsisimula ang ating istorya sa isang sikat na University. Nang nakita ni Charlie si Princess ay may n...